• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre is willing to accept “Darna” role if offered to her

Nadine Lustre is willing to accept “Darna” role if offered to her

Nadine Lustre shows enthusiasm over the super heroine role.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/14/2015 3:40 AM
Nadine Lustre is willing to accept “Darna” role if offered to her


111315-NadineLustre_PUSH.jpgMatapos hirangin ng netizens ang “On the Wings of Love” star na si Nadine Lustre bilang kanilang napupusuang maging kapalit ni Angel Locsin bilang Darna sa isinagawang poll ng Push.com.ph, lalo pang lumakas ang ugong na siya na nga ang papalit sa aktres.


Sa ulat ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe sa TV Patrol, nilinaw ni Nadine na wala pang offer sa kanya para maging Darna ngunit handa siyang tanggapin ang role kung sakaling ibigay ito sa kanya.

 “Of course I want gusto ko po siyempre kasi Darna ‘yun ‘di ba? It’s a privilege na maging Darna ka. Bigyan nila ako ng gym time, bigyan nila ako ng time mag train pero bahala na I don’t know, wala pang sinasabi sa akin” pahayag ni Nadine.

Suportado naman ng ka-love team si Nadine. Sabi ni James Reid, “If she’s Darna then I’m Captain Barbell. She could do it. I told her she could do it. Yeah she does [have the body do it].”

Kasalukuyan namang busy ang dalawa sa kanilang teleserye na On the Wings of Love at ang upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila kasama sina Vice Ganda at Coco Martin na The Beauty and the Bestie.