• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya celebs share their stories about the ABS-CBN Christmas SID "Thank You For The Love"

Kapamilya celebs share their stories about the ABS-CBN Christmas SID "Thank You For The Love"

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/13/2015 12:00 PM
Kapamilya celebs share their stories about the ABS-CBN Christmas SID


111315-kapamilya_PUSH.jpgInilunsad kagabi ang "Thank You For The Love" official music video na siyang 2015 Charistmas Station ID ng ABS-CBN. Gaya ng sa mga nakaraang station ID, star-studded ang music video na tinatanpukan ng mga celebrities ng Kapamilya Network na tumutulong sa iba't ibang grupo ng mga bagong bayani ng ating bansa.

Si Richard Yap, hindi makakalimutan ang kanyang experience kasama ang cast ng "Ang Probinsyano."

"Magkakasama kami ng cast nandoon kami sa Philipine National Police Camp at namahagi kami ng blessings sa mga pulis," kwento ng aktor.

Si Pokwang, naki-bonding naman sa mga disaster volunteers na tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

"Doon kami sa Lingkod Kapamilya doon sa Examiner St., kung saan dinadala ang mga tulong so tinutulungan at pinapasaya natin ang ating mga volunteers."

Ang child actor na si Bugoy Carino, namahagi naman ng mga regalo sa less fortunate kids kasama ang mga kaibigan na cast ng "Goin' Bulilit."

"Sobrang saya ko po na napasama ako sa Christmas Station ID. Akala ko po 'di ako makakasama kasi bata pa ako ganun pero ang saya-saya kasi napasama ako," he said.

At ang teen star na si Janella Salvador, nagpasalamat dahil malaking bagay sa kanya ang makasama sa annual tradition na ito ng ABS-CBN.

"Parang after each year na makakasama ka sa Christmas Station ID ng ABS-CBN, you'll feel honored kasi iba-iba ang nakakasama ko doon. Gusto ko talaga na kasama ako sa Christmas Station ID."

WATCH ABS-CBN's 2015 Christmas Station ID  HERE