• Home
  • Fresh Scoops
  • Andre Paras reveals why he doesn’t want to court Yassi Pressman

Andre Paras reveals why he doesn’t want to court Yassi Pressman

Andre Paras and Yassi Pressman don’t want complications in their love team

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2015 10:48 AM
Andre Paras reveals why he doesn’t want to court Yassi Pressman


111315-AndreYassi_PUSH.jpgNapansin namin na iba na ang body language ng magka-love team na sina Andre Paras at Yassi Pressman nang humarap sila sa entertainment press para sa presscon ng pelikula ng Viva Films na Wang Fam.

Iba na rin ang tingin ni Yassi kay Andre lalo na kapag may personal na tanong tungkol sa kanilang dalawa.

“Siguro ano po, kasi sobra na po yung closeness namin ni Andre simula po nu’ng last year. After po kasi nu’ng Diary ng Panget, wala po kaming ginawang project together, tapos this year, dalawa po yung ginagawa namin,” paliwanag ng dalaga.

Kung dati ay medyo naiilang pa raw siya kapag naririnig niyang crush siya ni Andre, medyo naka-adjust na raw siya ngayon.

“Parang dati po kasi, medyo nakakailang po na sabihing crush ka niya (Andre). Yung paano ba ako dapat umarte pag nandiyan siya. Dapat ba lumayo ako o dapat ba kunwari dedma.

“Pero kasi, yon yung difference kay Andre na parang hindi ko na kailangang masyadong mag-isip kung ano yung kailangan kong gawin or kung anong dapat kong sabihin,” reaksyon niya.

Naramdaman ba ni Yassi na parang nagpipigil lang si Andre sa feelings nito sa kanya?

“Hindi ko po alam sa kanya. Sagutin mo yan, Andre,” utos niya kay Andre na katabi lang niya that time.

“It’s more of like, I call it as respect,” sagot naman agad ni Andre.

“Kasi I respect Yassi in a way na she’s working hard all the time. She’s working not for herself. And when you get to know each other, you will know when the right time is talaga, eh,” patuloy niya.

Ayaw din daw niyang magulo ang buhay ng ka-love team kaya ayaw niya itong ligawan.

“I don’t want to distract her. Kasi as much as possible, I want to be here to support her and make her feel na everything is going to be okay,” rason pa ng binata.

Tulad ng Jadine loveteam, gusto rin nina Yassi at Andre na huwag haluan ng relasyon ang kanilang tambalan.

“Minsan po kasi kung kayo na talaga, marami na kasing complications lalo na pagdating po talaga ng girlfriend-boyfriend, totoo naman po yan.

“Pero ngayon, sobrang masaya naman po kami. Hindi na po namin pipilitin pa na umabot sa ganu’n kasi masaya naman po kami sa nangyayari. Ngayon okay naman po,” katwiran naman ni Yassi.

Palabas na sa Nov. 18 ang Wang Fam at kasama nina Yassi at Andre sa movie sina Pokwang, Benjie Paras, Atak, Wendell Ramos at marami pang iba. Sa direksyon ito ni Wenn Deramas.