Director Erik Matti announces auditions for Darna role

Director Erik Matti can’t see anyone other than Angel Locsin taking on the role of Darna for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2015 5:05 AM
Director Erik Matti announces auditions for Darna role


111215-ERIK_main.jpgSi Erik Matti pa rin ang magdidirek ng pinakabagong version ng Darna na gagawin ng Star Cinema at pagbibidahan sana ni Angel Locsin.

May panghihinayang man sa part ni Direk Erik na hindi na si Angel ang gaganap na Darna, pero wala naman daw siyang magagawa dito at hindi niya kontrolado ang mga pangyayari.

“Siyempre, pare-pareho kami ng naramdaman. Ang tagal na naming hinintay yung project. She prepared for the project and sayang din lang na may nangyari sa kanya.

 Sayang talaga. Kasi last year, magkakasama na kami ni Angel, eh. Inaayos na namin ‘to (Darna),” pahayag ng director sa Push.com.ph.

Nagkausap na rin ang dalawa pagkatapos mag-announce ni Angel na hindi na niya gagawin ang project dahil sa kanyang health condition.

“Sabi niya, ‘Direk, sayang. I really wanted to do this. I really wanted...’ And we wrote the character for her talaga, pero sayang, eh,” kuwento niya sa conversation nila ni Angel.

Nu’ng una, balak pa raw nilang hintayin ang paggaling ni Angel, kaya lang mukhang matatagalan pa ito. Ayaw din daw nilang i-risk ang health ng aktres.

“Siyempre, mahihirapan kami, we don’t want to risk. Mahirap para sa kanya na ipilit namin, di ba? We want to wait for her but we don’t know when... so, mahirap, eh.

“And of course, I feel for her kasi pare-pareho kaming sabay na nagsimula nitong project and all of us were really excited to do it. And siyempre, sayang lang na nangyari yon,” he said.

Eh, sino ba para sa kanya ang puwedeng pumalit kay Angel bilang Darna?

“You know, it’s a tough decision,” sagot agad niya. “Una kasi, si Angel lang talaga, eh. Wala na kasi kaming nakikitang iba, eh, di ba?”

At dahil wala pa nga silang napipili, magpapa-audition muna raw sila for the role.

 “When Angel announced na hindi niya kayang gawin dahil sa nangyari sa likod niya, the only decision that we made is we might as well audition the part to a lot of people.

“So, we don’t know yet. It’s not an easy role to fill in, so mahihirapan kaming maghanap ng ipapalit kay Angel. That’s why we need to be very careful kung sino ba talaga ang gaganap na Darna because as a movie, it’s been 20 years since the last Darna movie, ha. So, ang hirap lang na padalus-dalos mag-decide. We’ll take it one step at a time,” paliwanag pa ng premyadong direketor.