• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo on relationship with Zanjoe Marudo: ‘Yes, we’re still together’

Bea Alonzo on relationship with Zanjoe Marudo: ‘Yes, we’re still together’

Bea Alonzo finally speaks up on status of relationship with Zanjoe Marudo.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/13/2015 5:07 AM
Bea Alonzo on relationship with Zanjoe Marudo: ‘Yes, we’re still together’


111215-BEA_main.jpgSa contract signing at launching ni Bea Alonzo bilang endorser ng Fuji Cameras, in the mood na sumagot ang aktres sa mga issue na noon ay iniwasan nya muna sagutin. Masyado pa sigurong personal ang mga bagay bagay noon sa love life ni Bea at sa kanyang relationship with Zanjoe Marudo.

Pero ngayon, inamin na ni Bea na dumaan nga sa matinding pagsubok ang samahan nila ni Zanjoe pero maayos na ang lahat ngayon at sila pa rin ang magka-relasyon.

"Our relationship is full of misunderstandings and love so mahal ninyo ang isa’t isa kung may pakialam pa kayo sa isa’t isa. Hugot! (Laughs). Yes, we’re still together."

Ipapalabas na ngayong November ang pelikulang A Second Chance na muli nilang pagtatambalan ni John Lloyd Cruz. Ito ang part two ng box office hit na One More Chance na ipinalabas taong 2007.

Aminado si Bea na kahit establisado na ang pangalan nila ni John Lloyd ay may kaba pa rin sa kanya.

"Kami ang nabibigla kasi kinakabahan na kami pero sa tingin naman namin maganda ang materyal namin yun eh kung naniniwala ka na maganda ang ginawa mo confident ka."

Sinagot din ni Bea ang napapabalitang kasama na rin ang kanyang pangalan na nagugustuhan ng social media para gumanap sa papel bilang Darna.

"Ako si Basha hindi si Darna! Wala pa naman offer pero malaking blessing yan if ever.”