• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann says Jake Ejercito is her daughter’s ‘father’

Andi Eigenmann says Jake Ejercito is her daughter’s ‘father’

The “Angela Markado” star reiterates Albie Casino is not the father of her daughter.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2015 5:09 AM
Andi Eigenmann says Jake Ejercito is her daughter’s ‘father’


111215-andi_main.jpgNabasa namin ang text message ng nanay ni Albie Casino sa isang reporter na sinasabing ayon sa resulta ng DNA test, si Jake Ejercito at hindi daw  si Albie ang totoong tatay ng anak ni Andi na si Ellie Belle.

Nang tanungin namin si Andi tungkol sa isyu, halatang gulat ang aktres at halatang medyo iritada sa kanyang sagot.

There was never a DNA test. I never went up to them to ask them for anything. They’re not a part of this,” paglilinaw agad ng aktres na bida sa remake ng Angela Markado na ginawa noon ni Hilda Koronel.

They were not been a part of our lives for five years and I could not care less. So, bakit pa kailangang pag-usapan, ba’t sila sumasali?” hirit pa ni Andi.

Ayon pa sa aktres, nagtataka siya kung bakit hanggan ngayon ay may isyu pa rin sa kanila ang ex-boyfriend.

“Masaya kami ng anak ko sa sarili naming buhay... si Jake kasama do’n. Hindi sila kasali, bakit sila sumasali? Confused talaga ako kung bakit,” sabi pa niya.
 
When asked kung open ba siya na ipa-DNA ang anak, ang sagot ni Andi, “I don’t need to do that. Why? What for, for them? They’re not a part of this. Why do I need to give them a DNA test? I never ask them for anything. I’m happy with my life.”

Naaawa din daw  siya sa anak na walang kamalay-malay  sa nangyayari.

“Masakit para sa  isang ina na pinag-uusapan yung anak mo that way... na parang hindi niya alam kung siino ang tatay niya, na may lalaking lumalapit sa TV at nagsasabing ‘ay, hindi ko yan anak!’ tapos parang masaya siya about it.

“It’s very painful, I mean, I know, you’re not the father, oo nga, pero bakit kailangan mong sabihin yon? Kawawa naman yung anak ko di ba?” pahayag pa niya.

May mensahe naman ba si Andi kay Albie?

“I know that you’re not the father, stop it, get over it. You’re not the father, there’s no issue here. Wala naman akong sinasabing siya, eh. Di ba, parang ano ba?” she said.

Hindi rin naman daw niya sinabi kahit kailan na si Albie ang tatay ni Elllie.
“Never did. Kaya parang, ano ba? Hindi ko naman sinabi.
 
“Oo, siya yung tinuturo, pero okey na yung sinabi mo once na ‘it’s not me,” sabi ulit ni Andi.

Eh, sino ba talaga ang ama ng kanyang anak?

When  I was pregnant, Jake was there for me. He took care of us, so he’s the father. That’s my point lang. But I think because I say that, people think na parang iba-iba yung sagot ko.
 
And sinasabi ko nga, si Jake nga ang father. I hope you don’t twist my words in anyway, pero yon nga, si Jake yung nandiyan since the beginning and he loves my daughter like his own and so he’s the father. I mean, it’s as simple as that,” paliwanag niya.

Regarding our question kung ire-reveal ba niya  kelan niya aaminin kung sino talaga ang tatay ng anak, ayon kay Andi, “Why is it important? It’s none of anybody’s business, but mine and my family.