• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabelle Daza stands as witness in Liz Uy’s complaint against Fashion Pulis’ Michael Sy Lim

Isabelle Daza stands as witness in Liz Uy’s complaint against Fashion Pulis’ Michael Sy Lim

Liz Uy’s lawyer Atty. Lorna Kapunan says they are open to a settlement with the blogger.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/12/2015 5:07 AM
Isabelle Daza stands as witness in Liz Uy’s complaint against Fashion Pulis’ Michael Sy Lim


111115-isabelle_main.jpgSi Isabelle Daza at ang Preview Magazine executive editor na si Isha Andaya-Vallés ay boluntaryo na nagbigay ng testimonya at tumayong testigo sa isinampang kaso ng stylist na si Liz Uy laban sa “Fashion Pulis” blogger na si Michael Sy Lim.

Sa interview ng Pep.ph at ng iba pang press sa kanila sa Makati Prosecutor’s Office, inilahad ni Isabelle na siya mismo ang nakarinig sa mga sinasabi ni Michael tungkol kay Liz sa isang event na pareho nilang dinaluhan.


“Isha and I were at a dinner for Dra. [Vicki] Belo. We were sitting maybe five seats from him [Lim]. Actually, wala akong alam sa issue kasi I don’t read it [Lim's blog site]. Pero he said something like, ‘She made Maine [Mendoza] wear a jacket that she wore two weeks ago.' I mean, if you’re a stylist, why are you gonna make her wear something that you already wore?' And I know this verbatim kasi habang sinasabi niya, tine-text ko si Liz, ‘Liz, ano 'tong issue?’” kwento ng aktres.

Napansin kasi ng blogger na si Michael na pareho ang jacket na suot ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa kanyang Preview photo shoot at sa isang photo ni Liz sa kanyang Instagram.

“And yeah, Isha was also there, we heard it, there are other witnesses. We clearly know that it's kind of to slander Liz. It was done in a malicious way. It wasn't an opinion. It was done to put her career, you know, try to bring her down," dagdag pa ni Isabelle.

Sinabi naman ni Liz na isa siyang biktima ng cyber bullying.

“Yes, of course. Every day, I get hate mails and hate messages from social media because of what happened. I don’t know exactly who they are [bashers], pero nakakaapekto rin.”

Nilinaw naman ng abogado ni Liz na si Atty. Lorna Kapunan na bukas ang kanilang panig sa settlement ng kaso at gusto lang ni Liz malinis ang pangalan niya.

“You know, a case is only good for the lawyers. But in terms of settlement, why not? We’re not here to make money. She’s not here to make money. She’s here to clear her name. I think this should be a lesson not only to Michael but to all those in the industry. Not only in the fashion industry but to those he has maligned,” sambit ni Atty. Kapunan.

Naglabas naman ng opisyal na statement si Michael sa kanyang blog site at sinabing isang valid observation lang naman daw ang kanyang mga isinulat. “I will fight this case with courage because I have no malicious intent,” pahayag pa niya.