• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sunshine Garcia talks about her relationship with Alex Castro

EXCLUSIVE: Sunshine Garcia talks about her relationship with Alex Castro

Sunshine Garcia admits she didn’t want a boyfriend involved in politics until Alex Castro came along

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2015 7:48 AM
EXCLUSIVE: Sunshine Garcia talks about her relationship with Alex Castro


111115-SUNSHINEG_main.jpgFull support si Sunshine Garcia, isa sa cast ng Banana Sundae, sa pagtakbo ng kasintahang aktor na si Alex Castro bilang board member sa Bulacan. Hindi man daw niya nasamahan ang boyfriend nang mag-file ito ng Certificate of Candidacy sa Comelec, naintindihan naman daw yon ni Alex.

“Nu’ng time na nag-file siya ng COC, gusto ko sana (na nado’n ako) kaso anniversary yon ng Banana Split. Pero napag-usapan namin dati na pag wala akong work talagang sasamahan ko siya. Kaso, nasakto nga na anniversary ng Banana,” rason ni Sunshine kung bakit di nasamahan ang BF sa Comelec.

Aminado ang dating Sexbomb dancer na ayaw talaga niyang magkaroon ng artista o politician na boyfriend. Ayaw kasi niya nang magulong buhay.

“Dati, nu’ng magkasama pa lang kami sa nga shows, alam nila na hindi ako mahilig sa artista at hindi ko gusto taong nasa pulitika. Ayoko ng pulitiko. Yung mga naging boyfriend ko, puro mga non-showbiz yon.

“Pero nu’ng na-meet ko siya, hindi mo makikita na artista siya at nasa politics siya, as in, walang bahid. Yung ugali niya hindi ganun, eh. Parang normal na tao lang siya. So, nagkasundo kami. Tapos nung dumating na eto na nga, parang kailangan na niyang magpakilala sa mga kababayan niya, ngayon lang nagsi-sink-in sa utak ko na eto yung buhay niya talaga, nasa pulitika,” kuwento pa ni Sunshine.

Eight months na ang relasyon nila ni Alex at hindi itinanggi ni Sunshine na napag-uusapan na rin nila ang kasal.

“Kahit naman ako, pag napag-uusapan naming ayoko na ring magpalit pa ng iba. Siyembre, gusto ko na ring mag-settle sa kanya. Yung sa kasal, minsan napag-uusapan na namin, minsan biruan, pero hindi kami nagmamadali,” paglilinaw niya.

“Kumbaga, kailangan muna naming sigurong tapusin ang mga dapat tapusin. Pero kung mag-o-offer siya (ng kasal), hindi naman ako tatanggi at magsasabing ‘hindi o huwag na muna.’ Magye-yes ako siyempre. Ako pa ba?” natatawa niyang reaksyon.

Sa tingin ba niya importante ang tagal ng relasyon bago ang planong pagpapakasal?

“Minsan hindi, kasi minsan wala na yon sa tagal. Kasi, kahit naman ako, meron akong five years na naging relasyon, nag-end-up na hindi rin kami. Kasi yon nga, minsan may mga bagay na hindi mo na puwedeng ipilit kasi unang-una, magkaiba na kayo ng gusto.

“Pangalawa, hindi na rin kayo nagkakaintindihan. Pangatlo, siguro ‘pag yung respeto ang nawala at saka tiwala. Kasi sa isang relasyon, sinasabi nila kailangan mahal mo, hindi ‘yon, eh. Kailangan, unang-una yung respeto, may respeto ka sa kanya, may tiwala ka... saka lang yung love.
 
“Eh, sa aming dalawa, as in, nagkakaintindihan kami. Give and take kaming dalawa. Wala yung parang nagiging selfish siya, and siguro ganu’n talaga pag nagma-matured na yung utak ng isang tao,” nakangiting pagtatapos ni Sunshine.