• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pastillas Girl on ex-Mr. Pastillas contestant Topher: ‘Ayokong paasahin ka’

EXCLUSIVE: Pastillas Girl on ex-Mr. Pastillas contestant Topher: ‘Ayokong paasahin ka’

Pastillas Girl admits she wants to focus on getting to know Mr. Pastillas first.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/11/2015 5:06 AM
EXCLUSIVE: Pastillas Girl on ex-Mr. Pastillas contestant Topher: ‘Ayokong paasahin ka’


111015-TOPHER.jpgAfter she finally chose the winner for the search for Mr. Pastillas on It’s Showtime last month, Angelica Jane Yap aka “Pastillas Girl” admitted she was aware that Topher, one of the contestants, had broken down backstage after finding out she did not choose him. Angelica said finding her Mr. Pastillas that day was a truly bittersweet moment. "Nalungkot ako nun eh nung nakita ko. Actually hindi ko nalaman, nakita ko siyang umiiyak. Lumabas na lang ako ulit kasi parang magkaiyakan pa kami. I mean, kasi parang magiging contrast yung feeling na masaya ako dahil nakapili ako ng Pastillas Boy pero nakakalungkot kasi may isang guy na na-sad kasi hindi ko siya napili. I feel bad kasi ako yung dahilan kung bakit siya umiyak. Pero at the same time yung lagi ko kasing sinasabi at hindi naman namin nakakalimutan sabihin sa Showtime na this is really a competition. Kahit nasabihin natin na magkakaibigan tayong lahat, hindi puwedeng lahat kayo akin. Unfair yun sa kanila. Unfair din yun sa mapipili ko,”she told Push.com.ph

Pastillas Girl said the best she can do for now is feel appreciative and sympathetic about Topher’s feelings. "Nirerespeto ko naman yung feelings niya pero at the same time sana yung fans din ni Topher respetuhin din nila yung decision ko kasi in the first place wala din namang pumilit sa kanilang sumali sa Nasaan Ka Mr. Pastillas. Na-appreciate ko naman lahat ng ginawa niya. Hindi lang naman si Topher pati yung iba. Kaya lang yung pagkakaiba lang ni Topher at ni Mike, si Mike naging sport siya. He was mature enough to accept. Magkakaibigan kaming lahat so parang kinongratulate lang niya si Chard at ako kahit na nasaktan siya, nandun yung sportsmanship. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi sport si Topher, siguro nasaktan lang talaga siya. And nung last time na lumabas siya online, I think ipapagpatuloy niya pa rin kahit nasabi ko na gusto ko muna ibigay yung attention ko kay Chard,” she explained.

When news came out that Topher still had plans to pursue her even after their Showtime segment had run its course, Angelica said she hopes he will rethink his decision because she does not want Mr. Pastillas Richard Parojinog to get jealous. “Kasi nung una pa lang, parang sinabi na (ni Topher) na kahit nakapili ka na ng Mr. Pastillas liligawan pa rin kita. But I already talked to him na parang ayokong paasahin siya, ayokong mangako sa iyo kasi unang una there’s a reason why I chose Chard as Mr. Pastillas, not as a boyfriend pero gusto ko muna bigyan siya ng chance kasi he deserves it di ba? Parang siya yung nanalo. And gusto ko siyang mas makilala. Paano ko siya mas makikilala kung dalawa yung focus ko. As respect for Chard since he has the right to know me first bago yung iba, rini-respect ko siya,” she said.