• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Neil Perez on RP’s bet to 2015 Mister International: ‘Malakas ang laban niya’

EXCLUSIVE: Neil Perez on RP’s bet to 2015 Mister International: ‘Malakas ang laban niya’

Gaganapin dito sa Pilipinas (Resorts World Manila) sa November 30 ang 2015 Mister International pageant na pinagwagian last year ng ating representative na si Neil Perez nang gawin ito sa Korea.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2015 5:04 AM
EXCLUSIVE: Neil Perez on RP’s bet to 2015 Mister International: ‘Malakas ang laban niya’


111015-NEIL.jpgGaganapin dito sa Pilipinas (Resorts World Manila) sa November 30 ang 2015 Mister International pageant na pinagwagian last year ng ating representative na si Neil Perez nang gawin ito sa Korea.

This year, ang nanalo sa Mister International Philippines national pageant na si Rein Villariel mula sa Pagbilao, Quezon ang magiging kinatawan ng Pilipinas.

“Nasubaybayan ko yung pageant. Sobrang lakas ng laban niya. Ang laki ng chance niyang manalo,” simulang kuwento sa amin ni Neil.

“Actually, matangkad siya, maganda yung katawan, maganda ang personality niya at telegenic siya kaya may laban talaga. Sabi nga nila, may hawig din daw kami. So, sana manalo din siya,” dagdag pa niya.

Ipinagmalaki rin ni Neil na may isa na naman mula sa hanay ng kapulisan ang sumali rin sa Mister International Philippines. Mula raw ito sa Crime Lab (Soco) at nanalong first runner-up.

Samantala, after manalo bilang 2015 Mister International sa Korea, nai-enjoy na ngayon ni Neil Perez ang showbiz at ang pag-arte. Pero hindi pa rin naman daw niya pinababayaan ang pagka-pulis.

“Ngayon nai-enjoy ko na po kasi nag-workshop ako nang konti before ko tinanggap yung ilang TV guestings. Pag nasa set naman po, may acting coach din naman po sila para i-guide ako.

“Ang pagiging pulis ko naman po is 24/7 yan, eh, kahit saan ako pumunta—Luzon, Visayas Mindanao—basta kailangan ng tulong ko bilang pulis tutulong ako,” pahayag ni Neil.

Hindi ba naman siya nakakantyawan ng mga kasamahang pulis lalo pa ngayong nag-aartista na siya?

“Ay hindi naman po,” sagot agad ni Neil. “Actually, nagtatanong pa sila kung saan ako lalabas sa TV, Siguro balak din nilang panoorin ang suportahan.”

Bawal pala sa kanya ang tumanggap ng bad boy na role sa TV o pelikula.

“Sa role, okey lang po yung uniform personnel ako, pulis o nasa military, pero yung bad boy, hindi po puwede kasi pulis po ako. Siyempre kung makikita ako sa TV na bad boy ako, pangit tingnan,” rason pa niya.

Nagulat naman kami sa kuwento ni Neil na dati pala siyang homophobic at hindi sanay sa mga bakla.

“Homophobic po talaga ako, eh,” pag-amin niya. “Pero nung nakilala ko sila, grabe, hindi mabo-boring sa kanila... sobrang talented nila, sobrang gagaling,” pagde-describe pa niya.

“Actually, marami akong mga kaibigan (bading), pero wala namang malisya yon, wala rin namang problema sa akin,” kuwento pa niya.

Ayon pa sa kanya, wala daw siyang natatandaan na may bading na nagparamdam sa kanya ng pagnanasa o nanligaw.

“Wala namang mga ganun... Siguro natatakot din sila sa akin dahil pulis nga ako,” pabiro niyang pagtatapos.