• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Matti says audiences will see a different John Lloyd in ‘Honor Thy Father’

Erik Matti says audiences will see a different John Lloyd in ‘Honor Thy Father’

Erik Matti also explains why they will change ‘Honor Thy Father’ to ‘Con-Man.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2015 5:05 AM
Erik Matti says audiences will see a different John Lloyd in ‘Honor Thy Father’


111015-ERIK.jpgAng pelikula ni Direk Erik Matti na Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz na isa rin sa co-producer ng pelikula ay ang opening film ng 2015 Cinema One Originals nu’ng Linggo (Nov. 8) sa Trinoma Cinema.

Present ang cast na pinangungunahan ni John Lloyd, co-producer na si Dondon Monteverde at si Direk Erik na proud na proud na naging opening film ng C1 Originals ang kanyang pelikula na pumasok na rin sa top 8 ng Metro Manila Film Festival.

“Napakasaya na nakapasok kami sa No. 8 ng MMFF pero siyempre, gusto rin namin na mai-share yung movie during Christmas. Eh, matagal na kaming tapos, eh. March tapos na kami.

“Kasi nu’ng announcement noon sa MMFF na hindi kami napasali, siyempre mabigat din sa amin kasi we were expecting na John Lloyd movie siya, tapos napunta kami sa No. 9. But now that we’re invited back in, happy kami and we’re ready to be in the Metro Manila Film Fest,” masayang kuwento ni Direk Erik sa Push.com.ph.

Alam naman daw ng MMFF na ipalalabas ang Honor Thy Father sa opening ng Cinema One Originals at wala raw naging problema tungkol dito kahit pa official entry na ang pelikula sa MMFF.

“Siyempre, pinaalam muna namin sa kanila. Invitation only naman itong sa Cinema One, saka one-viewing lang, walang ticket selling, pero sinabi pa rin namin bago kami umoo dito, umokey naman sila (MMFF committee).

Ayon pa sa director, naiibang John Lloyd ang mapapanood ng mga tao sa Honor Thy Father.

“Siyempre, ang timpla nito, minsan mo lang makukuha si John Lloyd para gumawa ng ibang-iba sa ginagawa niya, so siyempre, aside sa kuwento inisip din namin na dapat maganda sa kanya as an actor to do the movie.


111015-ERIK.jpg“Marami tayong artista na sobrang galing na kung minsan natatapos na yung career hindi natin nakikita yung range (sa acting), di ba? So, one of the ambitions of this film, yung hinahabol namin na if John Lloyd is going to do one movie na lihis sa ginagawa niya, it has to be worthwile.

“Then it should show his range as an actor. Range in terms of... can he carry really heavy emotional na kuwento wherein he carries the entire story all by himself. And this is what we came up with, a story na talagang pag nakita mo yung pinagdaaan niya, lahat ng hindi puwedeng pagdaanan ni John Lloyd sa mainstream, nandito yata sa pelikulang ito,” pagmamalaki pa niya.

May paliwanag din si Direk Erik kung bakit nila ibabalik ulit sa Con-Man ang title ng pelikula at hindi na Honor Thy Father para sa December MMFF.

“Originally, before we went into the Toronto International Filmfest, we submitted the film to the Metro Manila Film Fest. So, the original title that we placed there was Con-Man, but when we were accepted in the Toronto International Filmfest, we decided to change the title to Honor Thy Father.

“For Christmas, we felt na okey na ibalik naming sa Con-Man, di ba? Kasi mas maiintindihan nila kung anong klaseng pelikula, as suppose to Honor Thy Father na mapapatanong ka pa kung ‘ano ba siya, seryoso bang masyado,’” paliwanag pa niya.

Wala namang takot si Direk Erik kahit pa hindi comedy o rom-com ang kanyang pelikula na usually ay pinapanood ng tao kapag December.

“Lahat ng tao gumagawa na ng comedy, eh. Maganda naman na yung mga manonood may iba naman silang choice like may medyo seryoso, tungkol sa tatay, of course, maghahati-hati yung audience, so, happy rin kami na yung sa tipo ng pelikula namin, kami lang yung ganu’n.

“So, ang challenge sa amin is to market it properly in such a way na makuha namin yung mga gusto ring manood ng pelikula namin,” confident niyang pahayag.