• Home
  • Fresh Scoops
  • Award-winning director Wilfredo “Willy” Milan dies at 68

Award-winning director Wilfredo “Willy” Milan dies at 68

The veteran director passed away due to complications from diabetes.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2015 5:09 AM
Award-winning director Wilfredo “Willy” Milan dies at 68


111015-MILA_main.jpgNagluluksa ngayon ang movie industry sa pagpanaw ng veteran at award winning director na si Willy Milan.

Direk Willy’s real name is Wilfredo Sanchez dela Cruz. Namatay siya noong Nov. 7 due to a heart attack  na resulta ng komplikasyon sa sakit niyang diabetes.

Direk Willy is 68 years old.

Nakalagak ang labi ng batikang director sa St. Peter’s Chappel na nasa Commonwealth Ave., Quezon City (fronting Iglesia Ni Cristo).

Interment will be on Nov 14, Sat, 11 a.m. at Ever Memorial in Bulacan.

Para sa mga nais makiramay at sa iba pang impormasyon, kontakin ang anak ni Direk Willy na si Wexter Dela Cruz sa kanyang Facebook account o sa cellphone number na 0927-4413384.

Samantala, according to Wexter, ang  isa sa top 3 personal favorites films ni Direk Willy na ginawa niya ay ang Anak Ng Cabron ni Ace Vergel. Si Ace ay isa sa pinakamalapit na action star sa kanya.

Ang isa pang paboritong pelikula ni Direk Willy ay ang Kahit Butas Ng Karayom, Papasukin Ko kung saan nag-Best Director siya at Best Actor si Fernando Poe Jr. sa FAMAS noong 1996. Paborito rin niya ang Bago Kumalat Ang Kamandag ni Anthony Alonzo, kung saan nagwagi ring Best Director si Direk Willy sa MMFF noong 1983.

Nagsimula bilang bit player sa pelikula, naging assistant director, hanggang sa naging isa sa pinakaabalang movie director noong 1980s-'90s.

Nakikiramay po ang Push.com.ph sa mga naulila ni Direk Willy Milan.