• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Wenn Deramas reveals his whole life in "Direct to the Point"

EXCLUSIVE: Wenn Deramas reveals his whole life in "Direct to the Point"

The multi-awarded director says he didn't hold back in telling the story of his life in his first book, and that includes his love life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/2/2015 6:06 AM
EXCLUSIVE: Wenn Deramas reveals his whole life in


100215-wenn-main.jpgMeron na ring sariling libro si Direk Wenn Deramas na ang title ay Direct To The Point. Isang taon at kalahati raw ito bago natapos at kasalukuyan na itong pini-print.

“Viva ang nakabili ng (rights sa) libro at sa first week ng November ang labas nito. Ilu-launch naman namin ang libro sa second week ng November, kasi aalis ako sandali papuntang States pero babalik ako ng Nov. 10,” balita ni Direk Wenn sa Push.com.ph.

Lahat daw ng gustong malaman ng mga tao tungkol sa kanyang buhay ay mababasa sa Direct To The Point.

“Buong buhay ko ang nasa libro. Lahat ng mga hindi nila alam. Lahat ng mga haka-haka nila tungkol sa akin...  pati lovelife, binigay ko,” kwento ng Wang Fam director.

Hindi ba siya nag-edit tungkol sa lovelife niya?

“Sa lovelife, binigay ko yung 100 percent. Kinuwento ko mula umpisa, virginity ko, direct to the point nga, eh,” giit niya.

Pinangalanan din daw niya sa libro ang mga lalaking  nakarelasyon niya at naging bahagi ng kanyang buhay. 

“Meron silang mga pangalan at pinainterbyu ko sila para definitely, hindi ako mademanda. Ha-ha-ha! Para meron silang partisipasyon sila. At saka, very vocal and open naman yung iba sa kanila,” pagre-reveal pa niya.

Matagal na ba niyang plano na gawing libro ang buhay niya?

“Siyempre hinintay ko muna na may marating naman ako sa buhay bago ka gumawa ng ganitong bagay para makapagbigay inspirasyon ka dahil hindi ko naman din dinidenay kung anong pinanggalingan ko 'di ba?

“Mahirap talaga yung mga pinagdaanan ko pero may isang tao na hindi tao na hindi tumigil na makuha niya kung ano yung gusto niya, marating niya kung ano yung gusto niyang puntahan at  pag nabasa mo yung libro, iiyak ka, tatawa ka, malilibugan ka... may mga ganu’n. Basta binigay ko kung ano yung puwede kong maitulong sa mga katulad ko na gustong may mapuntahan din. Very inspiring yung libro ko,” pagmamalaki pa ng box-office director.

Isang pagkakataon din daw ang ginawa niyang libro para mabigyan ng pasasalamat yung mga taong naging part ng success niya.

Samantala, proud si Direk Wenn sa kinalabasan ng kanyang latest movie na Wang Fam ang title na pinagbibidahan nina Pokwang, Benjie Paras, Wendell Ramos at marami pang iba.

“Yung ibang mga pelikula ko noon, aminado ako na parang wala lang, pero ito talagang Wang Fam, proud ako dito. Maganda ang pelikula kong ito, promise,” sabi pa niya.