• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Dindi Gallardo admits she’s a certified CharDawn fanatic

EXCLUSIVE: Dindi Gallardo admits she’s a certified CharDawn fanatic

Dindi Gallardo says she faithfully watched ‘Walang Hanggan’ when she was still in the US.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/1/2015 9:46 AM
EXCLUSIVE: Dindi Gallardo admits she’s a certified CharDawn fanatic


110115-dindi_up.jpgDahil si Imelda Marcos ang role na ipo-portray niya sa Cinema One Original movie na Dahlin’ Nick, tinanong ng Push.com.ph si Dindi Gallardo kung meron din ba siyang Imeldific side na mahilig mangolekta ng mamahaling sapatos at bags.

“I love shoes and bags but I’m not ma-brand. I like what I see, I don’t care if it’s from like Quiapo or it has a brand or not,” sabi agad ni Dindi.

“I mean, look a my bag, it’s local, but you know, I don’t a brand to make me feel secure,” dagdag pa niya sabay pakita sa amin ng gamit niyang bag na kung hindi kami nagkakamali ay gawa sa abaka.

Seven months na pa lang nasa Pilipinas si Dindi at hindi na siya ulit aalis ng bansa. Back to showbiz na ang beauty niya.

“I’ve been here since March pa. Hehehe!” pagkumpirma pa niya.

“When I was in the States, I was working with film, also in the entertainment industry,” kuwento naman niya sa trabaho niya noon sa Amerika.

Certified CharDawn (Richard Gomez and Dawn Zulueta) fan pala si Dindi noon pa man.

 “I like them because they have this certain chemistry na kakaiba talaga. I’ve seen them in Hihintayin Kita Sa Langit and they’re undeniable looked good together.

“And then, they did this teleserye Walang Hanggan. I think Walang Hanggan was the only Pinoy soap that I watched from beginning to end,” pag-amin pa niya.

Natatawa rin niyang sinabi na habang nasa Amerika siya ay naadik talaga siya sa Walang Hanggan.

“I was in the States so I subscribe pa [on] my iPad, so I said, ‘Okey, I’m going to watch only one or two... ah wala na, one, two, three, tapos tuluy-tuloy na.

“And it’s like also not just Chard-Dawn but I just thought each episode would had parang a lesson learned, there was the moral of the story and it was nice.”

110115-dindi_up.jpgMatindi rin daw ang paghanga niya kay Dawn.

“I love Dawn, like when she walks in a room, that is my idea of a celebrity. She’s got presence, she’s beautiful. And same with Richard, so their chemistry is ang galing, nakaaliw.

Masaya si Dindi na may bagong teleserye ang CharDawn sa ABS-CBN, ang You’re My Home na mapapaNood na sa November 11 sa primetime bida.

“Definitely I will watch [it] if I’m home that day. I really like them. Can you imagine, in showbiz ang daming mga bagong love teams, pero ang ChardDawn, they’re cute, they really have this chemistry na sa age nila ngayon is nando’n pa rin.

“They both look good. They’re taking care of themselves, nakaaliw, natutuwa ako talaga,” kinikilig niyang pahayag.

Hindi ba siya nagkaroon ng love team noon?

“Parang ano, eh... it wasn’t my fate in the industry because when I joined, it was iba-iba yung taste. Tapos back then, konting mestiza ka lang, kontrabida ka na eh. Nowadays ang dami ng mestiza di ba? It’s also timing, so for me, I was just happy to be working a lot,” katwiran ng actress-beauty queen.