• Home
  • Fresh Scoops
  • It’s Showtime management denies ‘bugaw’ issue with Pastillas Girl

It’s Showtime management denies ‘bugaw’ issue with Pastillas Girl

MTRCB clarifies meeting with ‘It’s Showtime’ is a dialogue and not a investigation.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/9/2015 8:50 AM
It’s Showtime management denies ‘bugaw’ issue with Pastillas Girl


100915-SHOWTIME_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol noong October 8, itinanggi ng noontime show na It’s Showtime ang ang isyu ng umano'y pambubugaw kay Pastillas Girl na inihain ng Gabriela Party-list sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nilinaw naman ng MTRCB Chairman na si Atty. Eugenio “Toto” Villareal na ang magaganap na meeting sa October 13 ay hindi paglilitis at paghuhusga ng Pastillas segment ng It’s Showtime. Ang pamunuan lamang ng noontime show at ng MTRCB ang magpupulong at hindi ito dadaan sa proseso ng adjudication kung saan may ipapataw na kaparusahan.

“We would like to be very deliberate on the matter with prudence para mapagusapan ng mabuti itong bagay na ito. Dyalogo po ito na magandang mailahad rin po and bilang ang MTRCB po, conduit po kami ng industry at ng taong bayan,” paliwang ni Chairman Toto.

Sa panayam naman ni Darla Sauler sa Business Unit Head ng It’s Showtime na si Riley Santiago sa It’s Showtime Online kahapon October 7, sinabi niyang mali lamang ang context ng paggamit ng mga netizens sa salitang “bugaw” at gusto nilang klaruhin na hindi pambubugaw ang ginagawa nila. May desisyon si Angelica Yap aka Pastillas Girl na gawin ang gusto niya. Kamakailan lamang ay lumabas rin sa segment ang pamilya ni Angelica at sinabi ng kanyang ina na hindi nila binubugaw ang kanilang anak.


Ayon naman sa programa, ang iresponsableng pambabatikos ‘di umano kay Angelica ay nakakasakit sa kanya at sa iba pang mga kababaihan na ang tanging kasalanan lang ay isapubliko ang kanilang istorya sa pag-asang bubuti rin ang kanilang love life.