• Home
  • Fresh Scoops
  • Antoinette Taus plays the villain in ‘Bituing Walang Ningning the Musical’

Antoinette Taus plays the villain in ‘Bituing Walang Ningning the Musical’

Antoinette Taus plays Lavinia Arguelles in ‘Bituing Walang Ningning the Musical’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2015 8:48 AM
Antoinette Taus plays the villain in ‘Bituing Walang Ningning the Musical’


100915-ANTOINETTE_main.jpgNoong October 8 ang opening night para sa re staging ng Bituing Walang Ningning the Musical kung saan bibida pa rin si Monica Cuenco na gaganap bilang Dorina Pineda at Mark Bautista sa papel naman ni Nicko Escobar. Sorpresang ipinakilala si Antoinette Taus na alternating na gaganap as Lavinia Arguelles kahati ni Cris Villonco na umani ng positive reviews sa unang staging ng said musical.

Ayon kay Antoinette, na miss niya ang showbiz at thankful sa pagbabalik niya sa musical stage kung saan siya nagsimula noon bilang young Cosette sa Philippine production ng Les Miserables.

"Na-miss ko po ito and noong una medyo kinakabahan ulit at nangagapa pa pero ngayon okay na ako ready na ulit mag perform at mag act."

Ayaw mag-entertain ng negative thoughts ni Antoinette sa kontrobersyal niyang role bioang kontrabida na una ng ginampanan ni Cherie Gil, Angelica Dela Cruz at Cris Villonco. 

"Kung iyon ang iisipin ko hindi ako makaka-deliver ng maayos. Lahat sila magagaling at may kanya kanyang take sa role. Ako mayroon din at sana magustuhan nila yun."

Plano rin ni Antoinette na balikan ang pelikula at mga teleserye sa TV na uso ngayon.

Mapapanood ang Bituing Walang Ningning the Musical October hanggang January sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay.

Main Photo credit to antoinettetaus IG