Piolo Pascual admits giving flowers to Shaina Magdayao

Piolo Pascual reveals his reason for giving flowers to Shaina Magdayao.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2015 5:09 AM
Piolo Pascual admits giving flowers to Shaina Magdayao


100815-PILOSHAINA_main.jpgSa media conference para sa kanyang SunPiology event, humarap si Piolo Pascual at nagbigay update sa kanyang career at personal na buhay. Isa sa naitanong ay kung totoo ba na nagpadala siya ng flowers kay Shaina Magdayao na nalink sa kanya noon. Hindi naman nag deny si Piolo at sinabi ang reason sa pagbibigay niya ng bulaklak.

"Yes nagpadala ako ng flowers for her. Pasasalamat ko yun sa kanya kasi for the past four years siya ang ka date ko sa Star Magic Ball and nagpapasalamat ako sa kanya doon."

Dito naitanong kung may balikan ba na magaganap sa pagitan nila ni Shaina na sinagot naman ni Piolo.

"I believe in destiny. I believe in whatever is possible."

Bilang isa naman sa most influential na personalities ngayon, isa sa mga nililigawan ng mga politiko si Piolo at aminado naman siya na may mga lumalapit na sa kanya para mag request ng endorsements. Wala pa daw siyang napipili sa ngayon at kikilalanin niya muna ang mga ito bago siya pumili.

"Mahirap pang pumili sa ngayon. I have to know them muna bago tayo magbigay ng suporta, kung ano ba ang plano nila at plataporma kasi importante yun para sa mga kababayan natin."