• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino gives an update about her MMFF movie with Herbert Bautista

Kris Aquino gives an update about her MMFF movie with Herbert Bautista

Kris Aquino says there are problems with her planned MMFF movie.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2015 5:08 AM
Kris Aquino gives an update about her MMFF movie with Herbert Bautista


100815-KRISAQUINO_main.jpgNag-sponsor ang king of talk na si Boy Abunda ng special block screening sa Trinoma cinema ng pelikulang Etiquette For Mistresses kung saan isa sa mga bida ang malapit niyang kaibigan at queen of all media na si Kris Aquino. Inihandog ni Boy ang special block screening para sa Talk Unit ng ABS-CBN, Make Your Nanay Proud Foundation at sa LGBT Community na todo ang naging suporta sa event.

"Ito ang klase ng pelikula na dapat talaga na sinusuportahan. Buong package magagaling ang cast at mahusay ang pagkakabuo ng buong proyekto."

Dito rin nabanggit ni Kris sa kanyang interview na mukhang hindi na matutuloy ang kanyang Metro Manila Film Fest movie kasama si Herbert Bautista na bibigyang direksyon ni Antoinette Jadaone. Sinabi ni Kris na isa sa problema ang availability ng Director of Photography at iba pang aspeto ng pelikula.

Ayon naman kay Boy, ngayon niya lang nalaman ang balita at aalamin niya ang buong istorya at saka niya bibigyan ng advice ni Kris kung ano ang kanyang maitutulong.

Sa ngayon, inaayos ang lahat ng gusot sa project para matuloy at mapanood ang unang pelikulang bida ang KrisTek tandem sa MMFF.