• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Trillo’s ‘Felix Manalo’ achieves two new Guinness World Records

Dennis Trillo’s ‘Felix Manalo’ achieves two new Guinness World Records

Dennis Trillo is thrilled about the reception to his new movie ‘Felix Manalo.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/9/2015 5:07 AM
Dennis Trillo’s ‘Felix Manalo’ achieves two new Guinness World Records


100815-DENNIS_main.jpgGumawa ng kasaysayan ang premiere night ng pelikulang Felix Manalo na ginanap sa Philippine Arena nung October 4. Nag-set ito ng dalawang Guinness World Records: Largest Attendance for a Film Screening at Largest Attendance for a Film Premiere.

43,624 ang bilang ng mga taong nanood ng premiere night and after the verification of Guinness World Records officials and adjucators na sina Marco Frigatti at Victoria Tweedy, ini-announce nga na nakuha ng Felix Manalo ang dalawang Guiness World Records.

Masayang-masaya naman ang bida ng Felix Manalo na si Dennis Trillo dahil sa nangyari at sa pagko-congratulate sa kanyang pelikula. Si Dennis ang gumanap sa katauhan ni Ka Felix sa pelikula.

“Napakaraming magagandang nangyayari na hindi normal na nangyayari, so feeling ko, nasa panaginip ako. Na nagkaisa ‘yung mga kapatid (sa INC), ‘yung mga Pilipino na magtipun-tipon dito hanggang ma-reach ‘yung goal, na sa awa ng Diyos, naka-break ng two records,” nakangiti niyang pahayag after the premiere night.

“Tapos bukod do’n siyempre, napakaraming tao na napanood ‘yung pinaghirapan naming proyekto. ‘Yun pa lang, nakakatuwa na... parang panaginip nga lang, eh,” sabi ulit niya.

Ayon pa ay Dennis, hinding-hindi niya malilimutan na naging bahagi siya ng pelikulang Felix Manalo na napakahalaga para sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

“Sobrang laking honor ito at karangalan sa akin. Ano ito, eh, pangarap ito ng bawat artista, ang magkaroon ng ganito kalaking project. Wow, parang swerte ko na nakasama ako rito,” reaksyon ng actor.

Naging masaya rin si Dennis sa reaksyon ng mga nanood sa mga eksenang magkasama sila ni Bela Padilla.

“Nakakatuwa... siyempre, noong umpisa, kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ‘yung magiging reaksyon ng mga makakapanood, lalo na ng mga kapatid sa Iglesia. Pero nun’g unti-unti, nakikita ko, nagre-react sila sa mga eksena, sabi ko, ‘uy, natutuwa sila.’

“Hindi ko nga akalain na ganu’n nila kami tatanggapin ni Bela. Kasi, nun’g umpisa, parang wala silang reaksyon. Pero unti-unti, parang hindi na sila conscious sa mga magiging reaksyon nila sa bawat eksena kaya nakakatuwa,” kuwento pa niya.

Inamin din ni Dennis na ilang beses siyang napaiyak habang pinapanood ang Felix Manalo lalo na do’n sa death scene ni Ka Felix.

“Ibang klase yon. Kahit ako yung pinapanood ko, tinamaan pa rin ako do’n.”

Ano naman ang masasabi niya na puring-puri ng manonood ang acting niya sa pelikula?

“Hindi ko naman yon magagawa ng ako lang. Siyempre, dahil din yon sa tulong ni Direk Joel (Lamangan) at sa lahat ng bumubuo ng pelikula,” humble niyang pahayag.

Palabas na ang Felix Manalo at bukod kay Dennis, kasama rin sa pelikula sina Snooky Serna, Ejay Falcon, Jaclyn Jose, Gabby Concepcion at napakarami pang artista.