• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez admits losing self-confidence as a singer after giving birth

Regine Velasquez admits losing self-confidence as a singer after giving birth

Regine Velasquez says physical changes have had an effect on her singing prowess.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/7/2015 1:07 PM
Regine Velasquez admits losing self-confidence as a singer after giving birth


100715-REGINE_main.jpgBabalik na ulit sa concert scene ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. She will be having a series of shows on November 6, 7, 20, and 21, at 8 pm titled Regine At The Theater na gaganamin sa Solaire (Theater) Hotel.

Hindi na maalala ni Regine kung kailan siya huling nagkaroon ng series of shows sa iisang venue kaya in-explain na lang niya sa amin kung bakit Regine At The Theater ang title ng kanyang show.

“The reason why we’ve decided to call it Regine at The Theater kasi we didn’t want to, just parang Broadway songs lang. Kasi after all, ang lakas ng mga musical ngayon dito sa Philippines, di ba? Hit na hit ang mga musical na ginagawa natin, so para makasama namin yon, ginawa namin na At The Theater,” paliwanag niya.

Bukod sa Broadway songs na ayaw niya munang banggitin ang mga title, may OPM songs din daw siyang kakantahin.

Aminado rin ang singer-actres na na-miss din niya ang mag-concert kaya habang hindi pa raw siya busy sa pag-arte  gusto niya munang  mag-concentrate sa pagkanta.

“Since I have more time, parang gusto kong kumanta muna. Di ba, yon naman talaga ang first love ko, yung pagkanta naman talaga, so I just wanted to go back to singing,” bulalas pa niya.

“Tapos ngayon din, parang nakikisama naman na yung boses ko so, gusto kong samantalahin. Yung pag-arte, kung merong magandang project, siyempre, gagawin ko naman yon,” dagdag pa ng Songbird.

Naikuwento rin ni Regine na nawalan pala siya ng self-confidence pagkatapos niyang manganak kay Nate.

“After giving birth kasi, I had a hard time going back to singing.  I was Caesarean (section), siyempre na-stretch yung aking tiyan. Siyempre, the muscles are not intact... matagal talaga, eh.  Yon ang problema ng mga babae. Tapos yung iba nga, I’ve heard na nagkakaproblema sila with their notes, yung key nila bumababa.

“Hindi ko naman naging problema yon although okey din lang naman if ever, pero ang mas naging problema ko is yung acid reflux kasi parang, I think I had it naman na before pero talagang naging grabe lang siya after giving birth.

“So, medyo yon ang mahirap talaga kasi talagang nagka-crack yung voice ko. It was very hard for me to sing, plus yung confidence ko bumaba din kasi minsan, akala mo okey tapos biglang mag-a-attack siya so parang you can’t do anything about it. Hirap ako talagang kumanta, as in nahihirapan talaga ako,” seryosong kuwento ni Regine.

Pero medyo okey na raw naman ang boses niya ngayon.

“But now, slowly, slowly I’m getting back. Sabi din kasi ng throat doctor ko na I just have to keep singing para may... kumbaga, muscle memory yan, eh... so that my voice would get used to reaching those notes again.

“Kasi siyempre, I was singing almost everyday, grabe yung ginawa kong kanta before I gave birth and then I suddenly stopped for almost two years, talagang abrupt yung pagka-stop, so medyo nanibago yung vocal chords ko.

 “But thank God, it’s getting back to normal. Minsan, once in a while I still have a hard time, on and off pa rin siya, kasi yung acid reflux wala naman kasi talagang gamot, eh... you just manage it.

“So that’s what I’m doing now. I’m trying to manage the acid reflux. And then, practice na lang nang practice,” pagtatapos ng Asia’s Songbird.