Young actress, silent playgirl pala?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/6/2015 3:05 PM
Young actress, silent playgirl pala?


100615-BLINDITEM_main.jpgNoon pa ay "silent playgirl" na ang bansag ng ilang young actors sa isang young actress. Once magka-crush sa leading man niya itong si Girl ay "kina-career" niya ito para syotain o kung hindi man ay "matikman."

Sabi ko nga, aba'y ke bata-bata pa nito'y "puso" at "puson" na agad ang priority. Imbes na paghusayan ang pag-arte dahil nga ang balita'y simpleng akting ay hindi nito magawa sa isang teleserye.

Silently ay naging dyowa na pala nito ang isang young actor at naging dyowa rin nito ang isa pang guwapong aktor.

At ang latest, according to our source, yung guwapong young actor na nadawit sa isang video scandal naman ang kanyang nakukursunadahan.
Disoras nang gabi ay hinihiritan niya ang young actor na pumunta naman sa bahay nila since tulog na ang buong family niya.

Wala naman daw silang gagawin, kundi magkukuwentuhan lang naman, pero siyempre, hindi naman tanga ang lalake na basta na lang maniniwala sa echos ng girl na "kwentuhan lang naman." Definitely, understood na kung ano ang susunod after the "kwentuhan."

According to our source, hindi nagpunta ang guwapong young actor sa bahay ni young actress, dahil natatakot daw itong mahuli ng emoterang madir ng young actress.

Ewan lang kung sa ibang lugar sila nagkita at nagkaanuhan. I mean, nagkakitaan.

Hay, nako, ano na bang date ngayon? "Ber" months na, so chill-chill na lang muna dapat ang drama ng mga batang ito at paghusayan ang pag-arte para pareho silang may marating. 

Photo credit: 74211.com