Liza Soberano is open to doing historical films

Liza Soberano may be up for a historical role soon.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/7/2015 6:04 AM
Liza Soberano is open to doing historical films


100615-LIZA_main.jpgNanggaling sa shoot para sa isang endorsement at nag pictorial para sa bago nilang pelikula ni Enrique Gil kasama si Gerald Anderson na Everyday I Love You si Liza Soberano ng magpa-interview at kamustahin siya ng Push.com.ph. Nai-share ni Liza na mas mature ang kanyang role sa bagong movie na ito na mapapanood na sa last week ng October.

"Twenty plus years old na ang role ko dito as Audrey. Noong una it’s harder for me pero nasanay na rin habang ginagawa namin ang movie. Ito rin ang movie na may dalawa akong leading man kaya panoorin nila kung paano aandar ang story."

Dahil naging maganda ang performance sa box office ng Heneral Luna lalo na sa young audience na majority na sumuporta dito, nagkaroon ng usap-usapan na kino consider ng same group na gumawa ng starring movie ni John Arcilla na bumuo ng Josephine Bracken movie at first choice na lumabas to portray the role si Liza.

"Wow, kailangan ng malaking preparations if ako ang mag play ng role that will be a big challenge for me. Siyempre I’m open to do that"

Consistent naman si Liza na ayaw niya ng traditional na paraan sa pagsalubong sa kanyang 18th birthday. Sa ngayon, wish ni Liza na makapag-travel at gusto niya mamasyal sa Paris at doon mag birthday.