• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado speaks up on JM De Guzman’s removal from their movie

Jennylyn Mercado speaks up on JM De Guzman’s removal from their movie

Jennylyn Mercado says she has nothing to do with the decision to remove JM De Guzman from their movie ‘Walang Forever.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/6/2015 8:46 AM
Jennylyn Mercado speaks up on JM De Guzman’s removal from their movie


100615-JENN_main.jpgBagama’t si Sam Milby ang kapareha ni Jennylyn sa pelikulang The PreNup ng Regal Entertainment na showing na October 14, nahingan na rin ng reaksyon ang aktres tungkol sa pagkakatanggal sa cast ng JM de Guzman sa Metro Manila Film Festival movie niyang Walang Forever under Quantum Productions.

Ayon sa aktres, hindi niya kontrolado ang mga pangyayari at nalungkot siya na hindi na makakatrabaho si JM.

“Siyempre, nalulungkot din ako dahil kahit paano, kababata ko ‘yun,” reaksyon agad ng aktres.

“Nag-shoot na rin kami for a day. Pero I think, wala naman ako sa posisyon para magsalita kung ano ba, kasi kahit ako, hindi ko rin alam,” dagdag pa niya.

Sinagot din ng aktres ang tanong namin kung totoo bang natakot siya sa mga ginagawa ni JM sa shooting na naging dahilan din kaya nagpasya ang producer na si Atty. Joji Alonso na tanggalin ang actor.

“Hindi naman ako natakot. Basta maayos naman kami. Wala namang… ayoko nang i-explain pa kasi wala namang naging problema,” pag-iwas pa niya.

Pinalitan ni Jericho Rosales si JM sa Walang Forever at nagkasama na raw sila sa syuting.

“May ginawa na kaming teaser shoot. Okey naman, masaya. At saka, iba naman, iba rin si Jericho,” kuwento pa niya.

Samantala, inamin ni Jen na may pressure siyang nararamdaman sa bagong romcom movie na The PreNup dahil sa naging success sa box-office ng English Only Please nila ni Derek Ramsay.

“Meron siyempre, kaya medyo nakakakaba talaga,” sey agad niya.

Magkaiba naman daw ang character na pino-portray niya sa dalawang pelikula kaya confident siya na magugustuhan ng mga tao ang The PreNup.

“Si Tere (sa EOP), medyo makulit lang siya. Eto talaga, tumodo, eh. To the highest level ang pagkabakla niya (Wendy) sa The PreNup, parang kulang na lang maging bakla siya, ganu’n,” deklara ng aktres.