• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Medina wants to be “more than friends” with Vice Ganda

Alex Medina wants to be “more than friends” with Vice Ganda

Alex Medina and Alex Castro reveal crush on Dina Bonnevie and Alice Dixon

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/6/2015 6:04 AM
Alex Medina wants to be “more than friends” with Vice Ganda


100515-alex.jpgSa Gandang Gabi Vice, nagkwento sina Alex Castro at Alex Medina na pareho nilang gusto at sinusubukan ma-achieve ang katawan ni Brad Pitt sa pelikulang The Fight Club.

Inamin din nila na nakatanggap na sila ng indecent proposals mula sa bakla. Kung magkakaroon man daw ng indecent proposal si Alex Medina mula sa isang cougar ay iko-consider niya dahil ang magkaroon ng relationship sa isang cougar ay isa sa mga fantasies niya.

Inamin nila na hot pa rin sa kanila sina Dina Bonnevie at Alice Dixon. Ayon pa kay Alex Castro, crush niya si Alice Dixon. Okay rin sa kanila magkaroon ng batang girlfriend basta legal age na ang girl.

Sa ngayon naghahanap diumano ng love si Alex Medina dahil ayon sa kanya, “ang hirap e it gets lonely.”

Nang tanungin siya ng host na si Vice Ganda kung anong klaseng friendship ang gusto ni Alex Medina na magkaroon sila, nakatawang sagot ni Alex ay “more than friends.”