• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana is still a fan of John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love team

Dimples Romana is still a fan of John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love team

Dimples Romana says the chemistry of the John Lloyd Cruz-Bea Alonzo tandem is on a different level

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/4/2015 9:40 AM
Dimples Romana is still a fan of John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love team


100415-dimples.jpgFour years nang host ng I Shine Talent Camp si Dimples Romana and this year, magiging online na ang competition kaya mas kakaiba raw ang challenge para sa parents at mga batang sasali.

In her four years as I Shine host, never palang naging isyu kay Dimples ang talent fee.

“Wala naman tayo don (talent fee). Ako naman, ever since gusto ko yung ginagawa ko kaya hindi isyu ang ganu’n. Ikaw talaga,” natatawa niyang paliwanag sa Push.com.ph

"At totoo yan, matagal mo na akong kilala, di ba, alam mo yan. Lahat naman din ng ginagawa ko, either sa mga roles, gusto ko yung markado. Pagdating naman sa hosting or sa mga brand na kini-carry natin, we make sure na meron siyang advocacy or good cause para naman kahit papaano, eh, yon ang paraan para makatulong din naman ako,” dagdag na paliwanag ni Dimples.

As a mom, naikuwento ni Dimples na nakikitaan na niya ng interes ang dalawang anak sa posibleng maging career nila in the future.

“Yung panganay kong si Callie, parang do’n siya kay Xian (Lim) na category, more on visual arts siya. Ano siya, eh, cake decorator siya, tapos paint, and she draws.

“Tapos si Alonzo (7 months old), siya ang parang puwedeng mag-artista. Siya ang para sa performing arts kasi nakakatawa siya. Nag-i-smile siya, sumasayaw na. Tapos sabihan ko lang ng ‘Alonzo’ tatawa na siya,” kuwento pa niya.

 

Tinanong na rin namin si Dimples kung ano ang pakiramdam niya na part pa rin siya ng sequel ng One More Chance na ginawa nina John Lloyd Cruz at Bea 9 years ago.

“Siyempre, sobrang proud ako na I am still part of the movie. Sobrang na-miss kong katrabaho sina John Lloyd and Bea kaya nu’ng nalaman ko na may sequel, parang hindi ako makapaniwala.”

100415-dimples.jpgEh, ano ang masasabi niya sa tambalan nina Bea at John Lloyd ngayon kumpara noong ginagawa nila ang One More Chance 9 years ago?

“Ibang klase pa rin talaga yung love team ng John Lloyd at Bea. Ako, katrabaho ko na sila pero fan din talaga ako nila,” pag-amin niya.

“Alam mo, ang galing talaga nu’ng dalawa kasi hindi naman sila, hindi rin naman ever naging sila, pero grabe ang chemistry nu’ng dalawa. At hindi lang yon, hanggang ngayon talagang... pareho silang nag-develop as individuals, as actors separately and at the same time when they see each other parang ... iba talaga,” pagde-describe pa ni Dimples sa magka-love team.

Inamin din ni Dimples na mas nag-level-up ang kuwento ng One More Chance sequel.

“Tayo naman, natural lang naman na sinusubukan naging i-level up, kung hindi man talaga i-level up basta makapagbigay tayo ng magandang kuwento.

“Kasi ngayon, yung mga audience natin, ang gagaling na nila, eh. Talagang hinihintay na nila yung magandang kuwento. Yung tipong nakaka-relate sila At itong sequel ng One More Chance, siguradong magugustuhan nila kasi mas malalim yung kuwento... basta abangan nila,” pagmamalaki pa ni Dimples.