Michelle Vito celebrates 18th birthday with cancer patients

Michelle Vito shares her blessings by celebrating her birthday at Child Haus.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/3/2015 9:59 AM
Michelle Vito celebrates 18th birthday with cancer patients


100315-michellevito2_PUSH.jpgKasama ang kanyang co-stars sa teen show na LUV U, nag celebrate ng kanyang 18th birthday sa Child Haus ang teen star na si Michelle Vito. Ayon kay Michelle, mas pinili niya na makasama ang mga kabataan na may sakit na cancer at kapos palad sa kanyang kaarawan.

"Bale po pangatlong taon ko na ito ginagawa. Iba po kasi ang saya na nararamdaman kapag nakapagbigay oras ka sa kanila at kung ano man ang maitutulong mo."

Simpleng white dress ang suot ni Michelle habang nag table to table sa kanyang mga bisita at kabataan ng Child Haus. Naging emotional pa ang celebrant ng kantahan siya ng Child Haus Kids.

"Ito rin po yung paraan ko to give back sa lahat ng blessings na nakukuha ko and thankful din ako na di kami pinababayaan ng family ko at maayos kami lahat."

Naki-party rin sina Jairus Aquino, Miles Ocampo, Marco Gumabao at Sharlene San Pedro. Nag-enjoy din ang mga kabataan ng Child Haus at nakita nila ng personal ang Kapamilya Stars na pinapanood at hinahangaan nila.

1MichelleVitoBirthday.jpg

2MichelleVitoBirthday.jpg

3MichelleVitoBirthday.jpg