Gloc-9 admits he’s a frustrated balladeer

Gloc-9 says he’s forever grateful to Francis Magalona.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/3/2015 10:03 AM
Gloc-9 admits he’s a frustrated balladeer


100315-gloc9_PUSH.jpgGloc-9 will be celebrating his 18th year in the music industry sa pamamagitan ng series of concerts titled Ang Kwento Ng Makata: Gloc-9 Live! sa Museum on Oct. 10, 17, 24 and 23 kasama sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Rico Blanco at marami pang iba bilang special guest.

Ayon kay Gloc-9, sobrang laking pasasalamat niya na inabot niya ang 18 taon sa industriya.

“Ako po ay very thankful sa lahat po ng taong nakatrabaho, nakilala at sa lahat ng tao na sumusuporta sa akin, very very thankful po ako.

“Kahit po ako hindi ko alam, hindi ko rin inisip na ako’y tatagal ng ganito sa trabaho ko,” bulalas ng sikat na rapper.

Meron pa ba siyang mahihiling pa?

“Kung meron man po siguro, yon ay ang ma-sustain ko ang meron ako ngayon at siyempre, mapalaki ko ang lahat ng aking mga anak nang maayos at mabigyan sila ng magandang buhay,” simpleng sagot niya.

Nalaman din namin sa kuwento ni Gloc-9 na hindi pala pagiging rapper ang gusto niyang maging career noon. Gumawa na pala siya ng album na hindi rap.

“Frustrated singer po ako. Ako po ay nag-try na maging isang balladeer dati,” pag-amin niya na natatawa

“May songs po akong na-record sa aking mga unang album. Ang title po ng kanta ay ‘Bituin,’ tungkol sa isang tatay na OFW na nagtrabaho at nangibang bansa na nu’ng umuwi siya ay nawalan naman siya ng isang anak.


“Ballad po yon at yon ay nasulat ko in 30 minutes. Pero halos 10 years ko na atang nagawa ko yon.”

Nang hingan naming ng sample si Gloc-9, nagbiro na lang siya na i-download na lang daw namin sa iTunes ang naturang kanta kung gusto naming itong marinig.

Ibinahagi rin ni Gloc-9 ang mga sikreto niya kung bakit gifted siya sa pagkakaroon ng mahabang hininga while doing the rapping.

“Siguro, nakatulong din po na hindi ako nag-i-smoke. Bihirang-bihira din po akong umiinom pag kailangan lang talaga.

“Sobrang takaw ko rin pong matulog. Minsan, yung mga katrabaho ko nagtataka sa akin dahil pag nagko-coordinate kami, alas-nuebe pa lang ng gabi hindi na ako sumasagot dahil tulog na po ako ng 9,” sey pa niya.

Samantala, forever grateful naman si Gloc-9 sa Magallona family at kay Francis Magalona na naging mentor niya.

“Ako po, pag may pagkakataon na nagkakasalubong kami ng mga anak ni Sir Kiks (Kiko), ako po ay dalawang kamay na laging nakaabot sa kanila. Ganun naman din po sila sa akin.

“I’m very thankful po sa kabaitan ng mga Magalona sa akin. Lagi ko nga pong sinasabi na hindi man kami magkakamukha pero I’d like to think na ako po ay kapatid din nila,” sabi pa niya.