• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang denies she is financially supporting boyfriend Lee O’Brian

Pokwang denies she is financially supporting boyfriend Lee O’Brian

Pokwang says she is not listening to criticisms about her personal life as long as they are happy.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2015 6:06 AM
Pokwang denies she is financially supporting boyfriend Lee O’Brian


102915-POKWANG_main.jpgSinagot ni Pokwang ang nagsi-circulate na isyu na siya ang bumubuhay ngayon sa boyfriend na si Lee O’Brian na nasa Pilipinas at kasalukuyang nakatira sa kanyang bahay sa Antipolo.

“Hindi totoo yan!” pagdidiin agad ni Pokwang nang makausap namin siya pagkatapos ng Wang Fam presscon kung saan isa siya sa mga bida.

“Alam mo, minsan kasi hindi mo maiiwasan na maiisyu ka ng ganu’n... Alam mo naman kasi minsan, may mga mentalidad na ganu’n, eh. Kumbaga, hindi naman nila kayo nakikita araw-araw.

“So, what the F, isipin n’yo kung anong gusto n’yong isipin. Basta kami, masaya kami at hindi namin kayo inaapakan, hindi kami humihingi sa inyo ng pambayad ng pang gasoline. Hindi kami humihingi sa inyo ng pambayad sa kuryente.

“Ang hinihingi lang namin sa inyo ay maging masaya kayo sa kung ano ang meron kami ngayon dahil iba yung masaya ka ng pinagdasal mo. I-try n’yo yon. Hahaha!” natatawa pero seryosong paglilinaw ng komedyante.

Mananatili rin daw na buo ang suporta niya sa kasintahan sa kahit anong gawin nito lalo na sa pag-aartista dito sa Pilipinas.

“Pag mahal mo ang isang tao susuportahan mo kung ano yung magpapasaya sa kanya. Masaya siya don, di ba, kaya go!”

Dagdag pa ni Pokwang, kakampi ng anak niyang si Mae ang kasintahan.

“Pinagtutulungan nila ako lagi. Now, naintindihan ko kung bakit ganu’n kasi nakita silang dalawa na magkasundo sila, di ba? So, it doesn’t matter kung wala tayong pagkain ngayon, kung bukas puno ang ref natin, wala akong pakialam dahil masaya kami.”

“In all fairness sa anak ko, after ng mga adjustment na nangyari, maipagmamalaki ko talaga na napakaedukadong tao niya, iba yung pagpapalaki ko sa kanya kasi,” sabi pa niya.

Mas panatag din daw ang pakiramdam niya ngayon sa bahay dahil bukod sa kapatid niyang lalaki, kasama pa niya si Lee.

“Feeling ko mas safe kami. Iba talaga kapag may kasama kang lalaki sa bahay.”

Ayon pa kay Pokey, handa na rin daw si Lee na maging naturalized Filipino citizen. Sobrang eager din daw nito na mag-aral ng Tagalog.

Meanwhile, kasama ni Pokwang sa Wang Fam sina Benjie Paras, Wendell Ramos, Atak, Andre Paras, Yassi Pressman at marami pang iba. Showing na ito sa Nov. 18 sa direksyon ni Wenn Deramas.