Gabrielle Concepcion will play a lesbian in her first movie

Gabrielle 'Garie' Concepcion has entered showbiz officially.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/30/2015 6:09 AM
Gabrielle Concepcion will play a lesbian in her first movie


102915-GAB_main.jpgPormal ng pinasok ni Gabrielle Concepcion ang showbiz at isang pelikula at music album kaagad ang naka schedule niyang gawin. 26 years old na si Gabrielle na anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna. 

Panggulat kaagad ang unang pelikula ni Gabrielle na isang indie film kung saan gaganap siya bilang isang lesbian. 

"Role lang naman po iyan at kailangan galingan ko kasi this is my first movie"

Sa kanyang launching, nagbigay ng tatlong song numbers si Gabrielle na maririnig din sa kanyang paparating na album gaya ng "Promise Me" na version niya ng hit ni Beverly Craven, "Leave Me Again" at ng original song na "Mula Ngayon". Marami ang nag comment na malapit ang boses ni Gabrielle sa kanyang ate KC na ayon kay Gabrielle ay malapit sila sa isa't isa.

Hindi naman daw stage mother ang kanyang ina na si Grace Ibuna pero gina guide daw siya nito sa mundo na kanyang pinasok.

"Ako po ang nagde decide kung ano ang mga gagawin pero lagi may advise si mommy sa bawat projects na dadating"

Nai-share din ni Gabrielle na nag audition siya sa latest season ng The Voice sa Amerika pero sa haba ng pila sa auditions ay hindi na niya ito natapos.

"Akala ko parang yung napapanood lang sa tv na mabilis yun pala its a long process. Pero given the chance sasali ako ulit."

Si Lea Salonga ang idolo ni Gabrielle sa local showbiz at hindi malayo na magkakilala sila ngayong nasa showbiz na rin siya.