EXCLUSIVE: Rodjun Cruz wants to play a superhero

Rodjun Cruz is still waiting for his big break.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2015 7:48 AM
EXCLUSIVE: Rodjun Cruz wants to play a superhero


103015-RODJUN_main.jpgTila mailap kay Rodjun Cruz na maging bida sa pelikula kahit pa 10 taon na siya sa showbiz industry. Ayon sa binata, baka raw ang role niya sa indie film na Nuclear Family ang tutupad ng hinihintay niyang biggest break.

“Ganu’n po talaga, eh. Ang mahalaga, huwag ka lang mainip,” bulalas ng kapatid ni Rayver Cruz sa Push.com.ph.

Sa palagay ba niya, ito na ang most important movie niya na gagawin sa kanyang entire career?

“Sa movie, feeling ko ito po yung  biggest break ko. Kasi ang ginawa ko pa lang pong movie ay yung I Love You Pare Ko at saka yung Tuhog.

 “Nag-start po kasi ako sa showbiz na puro mga teleseye, mga sitcom, tapos sumasayaw at kumakanta ako dati sa ASAP. Ito talaga bale yung first serious movie ko talaga tapos ipapalabas pa internationally kaya sobra akong nae-excite,” sey pa niya.

Hindi ba siya nababagalan sa takbo ng career niya?

“Hindi po ako naiinip kasi gusto ko po yung ginagawa ko, eh. Kapag minsan walang acting, puwede po akong kumanta, sumayaw. Actually, thankful din po ako kasi sa bawat ginagawa ko, marami akong natutunan.

“Hindi po totoo na kapag matagal ka nang artista, eh, napakagaling mo na. Habang tumatagal po ako, marami akong natututunan and thankful ako na hanggang ngayon po nandito pa rin ako,” paliwanag pa niya.

When asked about his dream role, sey ni Rodjun, “Simple lang naman po ang dream role ko. Gusto kong maging superhero sa pelikula o teleserye... yon lang po. Kasi mahilig ako sa mga action-drama.”

Hindi pa naman masabi ni Rodjun kung may mga sexy scenes siya sa pelikulang gagawin. But if ever man daw na kakailanganin, wala namang magiging problema.

“If ever po, si Direk na lang ang bahala. Pag-uusapan po namin,” natatawa niyang reaksyon.

“Kasi po, trabaho ko ito, eh. I’m here to portray a role kahit anong character pa yon. Iba po naman yung ginagawa ko bilang aktor, eh, sa private life ko naman iba naman po,” katwiran pa niya.

Samantala, regarding his personal life, wala pa raw silang balak magpakasal ng kasintahang si Dianne Medina.

“Hindi pa po. Kailangan ko pang mag-ipon.”

Main Photo credit to rodjuncruz IG