• Home
  • Fresh Scoops
  • Assunta de Rossi says she and her husband plan to give away most of their property

Assunta de Rossi says she and her husband plan to give away most of their property

Assunta de Rossi and husband Jules Ledesma plan on giving houses and land to their workers.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2015 7:49 AM
Assunta de Rossi says she and her husband plan to give away most of their property


103015-ASSUNTA_main.jpgMatagal nang nagsasama sina Assunta de Rossi at Cong. Jules Ledesma, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.

Kelan ba nila balak magkaroon ng anak o plano na lang nilang mag-adopt?

”Open naman kami sa ganyan. Wala na kami sa pulitika next year kaya puwede na. I’ll be 33 by then,” pahayag ni Assunta nang makausap namin siya after the presscon of You’re My Home na pinagbibidahan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Handa rin daw silang dumaan sa medical procedure kung kinakailangan.

“If kailangan naming umabot sa ganoon... if lang, and I said, we’re open pero hindi ko sinasabing oo yun ang balak namin.

“Wag lang surrogate. Kasi I don’t think tanggap na sa atin ang ganoon,” dagdag pa niya.

Wala naman daw problema sa kanya sabi ng kanyang doctor. Hindi lang daw talaga nila sinusubukang gumawa ng baby dahil may inaayos pa silang problema.

“Mayroon lang kaming importanteng tinatapos, sa bahay, tapos yung Ledesma Trust Fund para sa workers namin.

“More than half of our wealth will give to them. Have you ever heard of the giving pledge? Parang ganu’n. Yung advocacy ni Bill Gates (ng Microsoft).

“’Yun na ang uso ngayon actually, na social philanthropy kumbaga ng lahat ng rich persons ay mag-pledge ka sa yaman mo sa charity, kahit saan mo siya gustong gamitin, but still kumikita ka pa rin,” paliwanag niya sa amin.

‘“Yung sa amin naman, it has something with land reform, so 60% of our land will go to our manggagawa plus new houses, they are all 800 plus beneficiaries.

“So P800M ang ibibigay namin para ipagawa ang bahay nila kasi mga luma na rin, buhay pa ‘yung father-in-law ko, binigyan na sila ng pabahay at over 40 years old na kaya kailangan na ring palitan,” tuluy-tuloy niyang paliwanag.

At dahil daw sa kanilang gagawin ni Jules para sa mga trabahador sa Negros Occidental ay magiging minority stock holder na lang sila.

Samantala, kahit heredero si Jules at napakayaman, hindi raw sila nagkaroon ng pre-nuptial agreement bago sila ikinasal.

“No, my husband was against it, my in-laws, were okay, puwede nilang awayin ang asawa ko, ako hindi,” natatawang sabi ni Sam (nickname ni Assunta).

Hindi rin daw siya maluho. napangiting sabi ng aktres.

“I’m very low maintenance. But I like cars, toys for big boys,” sabi pa niya.

Main Photo credit to assuntaledesma IG