• Home
  • Fresh Scoops
  • Halloween 2015: Celebrities share their supernatural stories

Halloween 2015: Celebrities share their supernatural stories

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/28/2015 7:45 AM
Halloween 2015: Celebrities share their supernatural stories



102815-HALLOWEEN_main.jpg

Dahil halloween season na naman, nauuso ang horror stories at pag-share ng kakaibang experiences. Tinanong natin ang ilan sa kilalang personalidad at nagbahagi sila ng kanilang kakaibang mga kuwento na personal nilang na experience.

102815-WENN_main.jpg
Photo credit to wennderamas IG

Si Direk Wenn Deramas, na kilala na sa showbiz na nakakakita ng mga bagay na di nakikita ng normal na paningin, ay nag-share na nakita niya sa kanyang panaginip ang isang kalamidad na pinagdaanan ng ating bansa kailan lang.

"Yung lindol na naganap sa atin kailan kang, minutes bago nangyari yun napanaginipan ko and sinabi ko pa nga sa ilan sa mga malalapit kong kaibigan bago siya nangyari. Nakaka kilabot pero totoo siyang nakita ko bago nangyari."

102815-MICA_main.jpg
Photo credit to darealmica IG

Si Mika Javier naman na girlfriend ng singer na si JayR na naglunsad ng kanyang solo album kamakailan, naibahagi na sa kanyang kabataan ay nakalaro na niya ang mga duwende.

"When I was a kid in Poveda school during recess time I used to play whom I thought were co-students at school. But then when my teachers asked me who am I playing [with] then I realized I was talking and making friends with Dwarfs. Mababait sila but after that we moved to the States and hindi ko na sila nakita."

102815-SHAINA_mainpushpins.jpg

Prayers at malakas na faith sa Panginoon naman ang panlaban ni Shaina Magdayao sa mga sandali na nakakaramdam siya ng pangingilabot. Madalas daw to maganap lalo na kapag nasa malalayong lugar ang kanyang trabaho.

"Naku sa set madalas may ganyan lalo na kapag out of town kapag nakaka ramdam na ako ng kilabot or mabigat na sa paligid nagdadasal na lang ako kaagad and salamat at nawawala na sila sa paligid."

102815-GERALD_main.jpg

Ang ancestral house naman na naging isa sa mga set ng pelikulang Everyday I Love You ang nagbigay ng horror experience kay Gerald Anderson na ‘di niya na lang daw pinansin.

"Yung big old house na ginamit as my house sa Bacolod kung saan namin nai-shoot ang Everyday I Love You mayroon something doon hindi naman siya nagpakita pero alam mo na meron parang lagi siya nakatingin sa iyo yung ganun pakiramdam"