• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Benjie Paras admits he monitors son Andre’s finances and cellphone bills

EXCLUSIVE: Benjie Paras admits he monitors son Andre’s finances and cellphone bills

Benjie Paras does not want to meddle in his children’s career choices.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/28/2015 7:49 AM
EXCLUSIVE: Benjie Paras admits he monitors son Andre’s finances and cellphone bills


102815-BENJIE_main.jpgRatsada na rin sa paggawa ngayon ng pelikula ang anak ni Benjie Paras na si Andre. After Diary ng Panget, Your Place or Mine, ngayon ay kasama rin ang binata sa Wang Fam ng Viva Films na pinagbibidahan din ni Benjie.

Tanong namin kay Benjie, nakita na ba niya nu’ng bata pa si Andre na papasukin din nito ang pag-arte?

“Talagang makikita mo na there’s a comedy inside him. Ang isa pa is mahilig siyang manood ng mga Tagalog comedy. Napanood din niya yung ibang pelikula ko noon.

“So yon yung sa tingin ko na nakatulong yon din ang nakatulong sa akin kasi during that time nanonood din ako ng Cafeteria Aroma, John En Marsha at do’n din ako nakakuha ng mga timing (sa pagpapatawa),” sagot ng aktor.

Hindi ba siya na-frustrate na hindi ang career sa basketball ang pinursue ni Andre?

“Hindi naman... hindi ako ganu’n, eh,” reaksyon niya. “And I never introduce basketball to them, hindi ko nga sila pinilit, eh. Kahit nga sa mga games nila na pinapanood ko, I’d make sure that they don’t see me kasi ayoko nu’ng magkaroon sila ng pressure.

“So, I’m not like other parents na talagang ando’n, nakikialam, hindi ako ganu’n, kung ano lang yung gusto nila. Ako naman, nakapaglaro ako, naging successful ako as an athlete, as a basketball player by myself. Hindi nakialam yung nanay ko sa akin. Ganu’n din ang ginagawa ko sa kanila,” paliwanag ni Benjie.

Regarding Wang Fam, ano ba ang reaksyon niya na second choice lang siya sa movie at ang role niya ay unang in-offer kay Richard Yap.

“Ako, I don’t mind. I really don’t mind. Kung ako nga ang tatanungin, mas gusto ko yung maging support ka lang, eh. Kasi sa akin, naniniwala ako na pag support ka, less expectation than being the bida role na may pressure na kailang magklik ang movie mo para masundan,” katwiran niya.

Proud namang ibinalita ni Benjie na intact ang finances ng anak na si Andre.

“Kasi yung card niya, extension ko rin para namo-monitor ko. Yung phone niya, extension ko rin, namo-monitor ko rin. Hindi sa namo-monitor ko kung ano yung ginagawa niya but to remind him na pag medyo magastos na, medyo mali na yan,” kuwento niya.

Huling naitanong namin kay Benjie kung ano ang reaksyon niya ngayong parang nag-give-up na finally si Jackie Forster na suyuin ang mga anak niya?

“I really have no comment. I have a life now and... wala akong comment sa mga nangyayari. Sobrang tagal na and wala na akong ano don,” pagtatapos niya.