• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Arjo Atayde reveals his ultimate dream role in a movie

EXCLUSIVE: Arjo Atayde reveals his ultimate dream role in a movie

Arjo Atayde also shares plans for his birthday.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/28/2015 6:04 AM
EXCLUSIVE: Arjo Atayde reveals his ultimate dream role in a movie


102715-ARJO_main.jpgFirst endorsement pala ni Arjo Atayde ang Hammerhead Jeans and Shirts kaya masayang-masaya siya nang makausap ng Push.com.ph dahil finally, may ini-endorse na rin siyang clothing apparel.

“Masaya po, sobrang saya, like every artist naman po pagpasok sa ABS-CBN, isa sa mga gusto nilang makuha is an endorsement. Finally it happened and I’m very happy,” pahayag niya.

Pagkatapos maging endorsement ng Hammerhead, may next target pa raw siyang gawin.

“Next thing I’m looking forward to is a movie naman. Wala pa po akong movie, puro TV lang. Hehehe!”

Wala rin daw siyang pakialam kahit pa anong role ang ibigay sa kanya sa pelikula.

“Kahit ano, okey lang! Gusto ko lang ma-experience kasi I’ve never experienced it. And obviously, it’s a different work of art naman. Sa teleserye, sunud-sunod, pero so movie, you have time to prepare,” wish pa niya.

Eh, ano ba ang kanyang ultimate dream role sa pelikula?

“Mentally retarded,” sagot agad niya.

“Gusto ko yung role na ganu’n, yung may pagka-autistic na hindi talaga nagsasalita tapos tumutulo na yung laway. That’s my dream, that’s my one movie dream,” giit pa ni Arjo.

Habang wala pang ginagawang movie, proud naman si Arjo na part siya ng primetime series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano bilang kontrabida ni Coco Martin.

“First time po ever na may mga lalaking nagpapa-picture sa akin, tapos may mga pulis pa... And obviously dahil yon sa Probinsyano,” kuwento niya.

“But I’d like to think na Ang Probinsyano is not only a market for the teenage community or kids but the show also caters to adults too. Lolas, lolos.”

Birthday na ni Arjo on November 5, ano ba ang regalo ng parents niya on his birthday?

 “For now, it’s just a party that I ask for,” kaswal niyang sagot.

“Kasi originally, I wasn’t supposed to be celebrating my birthday, but then, sa endorsement, sa Probinsyano and through all these people guiding me, I think I should say thank you and it’s the end of the year na rin...so parang thanksgiving na rin,” paliwanag ni Arjo.