• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin reveals health problem that caused her to back out of Darna

Angel Locsin reveals health problem that caused her to back out of Darna

Angel was emotional about her injury but says she has no regrets doing action scenes.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/28/2015 6:09 AM
Angel Locsin reveals health problem that caused her to back out of Darna


102715-ANGEL5_main.jpgOn Tonight with Boy Abunda, an emotional Angel Locsin talked about her spine injury which led to her to back out of the highly anticipated movie, “Darna.” 

In preparation for the movie, Angel shared, “Para paghandaan yung ganitong klaseng role, binigay ko talaga yung lahat; nagtraining ka, nagbasa ka. Super excited ako, kasi minsan na sa akin nabigay yung role na ito at alam ko kung gaano kalaki naitulong nito sa career ko, at gusto ko na nga sana gawin ito this time dito sa Kapamilya network. At kaya nung sinabi na ako yung gagawa uli ng ‘Darna,’ laki ng pasasalamat ko. “ She added, “I do crossfit, nag-eexercise po talaga ako, I do muai thai.”

Despite the fact that her injury was caused by the stunts she’s done in the past, the actress revealed, “Hindi ko pinagsisisihan Tito Boy, gusto ko lang i-clear. Hindi ko pinagsisisihan kung ano mang injury na nakuha ko noon. Kasi masaya akong ginagawa ko yun. Masaya akong ginagawa yun kasi alam ko yun ang nakakapagpasaya sa mga tao at yun yung rason kung bakit din ako nag-artista, to give happiness and inspiration. Pag ginagawa ko yung mga role na Darna, yung mga superheroes, nakakapagbigay ka ng hope sa tao. Kaya enjoy ako happy ako. Wala akong nireregret sa kahit anong stunts na ginawa ko na naging cause ng injury ko.”


102715-ANGEL3_main.jpgThe actress is said to be suffering from what is called a ‘bulging disc injury.’ The actress explained, “Dati kasi parang pag nag-recur siya sasakit lang, 3 days, medyo ‘di ka lang makalakad, pero kaya mo namang gumapang. Pero may time po kasi na for ilang days, di po talaga kasi ako nakalakad. Isang araw gumising na lang ako na hindi na ako makatayo, hindi na ako makagapang, ni hatak sa sarili ‘di ko magawa. Kinabahan na ako, Tito Boy, kasi iba siya sa doon sa mga dating nararamdaman ko. Isang oras na ako nasa floor Tito Boy, hindi ko maisigaw yung sarili ko kasi tinatry ko pa bumangon. Ayaw kong mataranta mga kasama ko sa bahay so after one hour nahanap na nila ako. Kahit yung pinakamalakas na dosage na pain reliever wala nang epekto sa akin kaya kinailangan na nila akong dalhin sa hospital, naka-ambulansya ako ganyan.”  

The actress is currently avoiding any strenuous activity, and is undergoing therapy. 

Putting her health first, the actress decided it would be best to back out of “Darna.” “It’s really painful po. Masakit po talaga Tito Boy na hindi ko magagawa yung ‘Darna.’ But kami po ng ABS-CBN nakapag-usap na po kami, nagdecide po kami na mas makakabuti po para sa lahat kung di ko na po gagawin ang ‘Darna.’ And, nagpapasalamat din ako sa ABS-CBN kasi iniisip nila ang future ko,” she divulged.  

She added, “Kung may choice po talaga ako, gagawin ko po talaga ang ‘Darna’ pero nagkataon na naaksidente ako.”
When Boy Abunda asked Angel if she would be leaving showbiz, she answered, “Naisip ko sya Tito Boy, walang halong kaplastikan. Kasi ano pa ang ipapakita ko, at kredebilidad ko to eh, anong sasabihin ng tao diba? What’s next? Pero kinausap ako ng ABS-CBN, kinausap ako especially nila Tita Malou na, ‘Gel, hindi lang naman sa Darna matatapos ang buhay mo eh.’ May mga plano po sila so hanggang kailangan pa ako ng mga tao, hanggang gusto pa ako ng mga tao, andito lang ako.” 

On the actress’ boyfriend, Luis Manzano’s reaction, Angel said he has been by her side all this time. “Kino-comfort niya ako pero siyempre hindi ko na sinabi sa kanya yung part na ayaw kong dumating yung araw na, ‘pag nagkatuluyan tayo, ayaw kong masabi mo na ba’t ‘di mo kasi sinubukan?’ Pero lagi siyang nandiyan. Matalino si Luis, alam nya kung papaano nya ako mapapakalma, at alam nyang masakit sa akin ito eh. Hinahayaan nya akong i-express anong nasa loob ko pero pinaparamdam nya na andyan lang sya kahit anong mangyari.”


102715-ANGEL3_main.jpgAs for their plans of settling down, Angel admitted she and Luis do talk about it and she feels he is “the one.” “Wala pa naman plano talaga Tito Boy, pero yes napag-uusapan namin. May mga plano kaming bahay, mga ganyan, but wala pa talagang final. Pero I’d like to think na siya na talaga,” she answered.    

On Luis’ mother Gov. Vilma Santos reaction on her injury, the actress said she did ask the former Darna for advice. “May time na nagtanong ako kay Tita, na syempre Tito Boy hindi ko sinabi na ako, na Tita if ever na magkaroon ka uli ng chance to play Darna pero kaya lang may sakit ka, would you still do it? E matalino ang gobernadora natin, nahalata nya sigurong ako to e, sabi nya, ‘Gel it’s not worth it. Kung ako lang, sana nagkaroon pa ako ng baby girl kung iisipin ko lang yung sinasabi ng mga ibang tao. But kailangan mong iprayoridad yung sarili mo. May mga mas importante bagay pa sa future.” 

Furthermore, Angel said, “I’m happy na I think that this is the right decision. I’m happy na after this interview makakapag- move on na ako sa tagal ko rin siyang tinago, pero I’m sad na gusto ko rin sanang gawin to (para) sa ABS-CBN at para sa nag-aantay na fans.”

When asked what her message was for her supporters, the actress stated, “You know Tito Boy I don’t have the right to ask them for anything po, na maintindihan niyo ako, na sana irespeto nyo itong decision namin ng ABS-CBN, kasi sobra-sobra na yung supportang binigay. Sobra-sobra na po yung supportang binigay niyo, sobra sobra na yung love, yung care. Tsaka kung ano yung comfort ng pamilya ko ngayon sa buhay, dahil sa kanila yun, so wala akong karapatang humingi pa sa inyo ng kahit ano. Gusto ko lang po  magpasalamat. Salamat sa lahat ng pinakita nyo sa akin, at lagi kong ite-treasure yun kahit anong mangyari. “ 

WATCH: Angel Locsin says she really has to explain to the public why she won't be doing Darna again