• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Ejay Falcon on relationship with Ellen Adarna: 'Kelangan mo masaktan para matuto'

Exclusive: Ejay Falcon on relationship with Ellen Adarna: 'Kelangan mo masaktan para matuto'

The actor admitted things between him and Ellen were not clear during the Star Magic Ball a month ago.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2015 5:05 AM
Exclusive: Ejay Falcon on relationship with Ellen Adarna: 'Kelangan mo masaktan para matuto'


102615-ejay_main.jpgBago umalis si Ejay Falcon papuntang Canada kasama ng ibang Kapamilya stars para sa TFC event, humarap muna ang actor sa ilang entertainment press para sa presscon ng New Placenta For Men kung saan siya ang bagong endorser.

Ayon sa isa sa mga bida ng Pasion de Amor, ang kompanya ni Jaime Acosta ng Psalmstre ang unang nagtiwala siya kanya bilang endorser kaya ngayong nagkaroon na siya ng pangalan, gusto niyang bumawi dito.

“Sa Olive-C niya ako kinuha dati, pang-teens na sabon  yon. Si Sir Jim ang unang nagtiwala sa akin kaya binabalik ko lang po sa kanya ngayon yung ginawa niya sa akin noon,” paliwanag ni Ejay.

Hindi naman sinagot ni Ejay kung magkano na ang TF niya ngayon as endorser. Ngumiti lang ito sabay sabing “Hindi naman po lahat puro pera na lang.”

Eh, kumusta naman sila ng co-star niya sa Pasion de Amor na si Ellen Adarna pagkatapos ng isyung iniwanan siya nito sa Star Magic Ball? Ano ba ang natutunan niya sa nangyari?

“Dahil sa mga pangyayari, naging matured ako sa bagay-bagay sa buhay, sa lahat-lahat. Malaki ang nabago sa akin, basta malaki,” paliwanag pa niya.

“May mga bagay kasi kami na bilang lalaki at yon ang pagkakamali ko, hindi klaro lahat. Hindi namin napag-usapan. Yon siguro yung natutunan ko,” dagdag pa ng actor.

Aminado naman si Ejay na hindi talaga naging malinaw ang set-up nila ni Ellen noon.

“Dapat talaga pinag-uusapan namin nang maayos. Hindi naming alam kung ano yung estado namin, eh. Pero ngayon malinaw na yon, sobrang malinaw na,” deklara pa niya.

“'Yon siguro yung maturity na sinasabi ko na dumating sa buhay ko ngayon. Kasi dati, nasanay ako na parang laro-laro lang, hindi ko siniseryoso lahat ng bagay. Pero ngayon, eto na yon. Kailangan mong masaktan para matuto,” seryoso niyang pahayag.

Kahit hindi nauwi sa relasyon bilang magkasintahan ay ipinagmalaki naman ni Ejay na magkaibigan sila ngayon ni Ellen.

“Magkaibigan kami  ngayon, malinaw yon. Yon naman ang importante talaga. At least, kung hindi man naging kami, ang importante ay yung friendship kasi masarap siyang kaibigan, eh,” pagtatapos ni Ejay.