• Home
  • Fresh Scoops
  • Assunta de Rossi talks about having Attention Deficit Disorder

Assunta de Rossi talks about having Attention Deficit Disorder

Assunta de Rossi admits she had to let go of some projects because of ‘You’re My Home.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2015 7:48 AM
Assunta de Rossi talks about having Attention Deficit Disorder


102715-ASSUNTA_main.jpgKasama ang magaling na aktres na si Assunta de Rossi sa pinakabagong primetime series ng ABS-CBN na You’re My Home. Ayon sa aktres, ito lang daw so far ang teleseryeng buhay ang karakter niya mula sa simula hanggang sa ending kaya natutuwa siya.

“Well, mayroon kasi akong mga teleserye before na hindi ako namamatay pero nawawala naman ako. So presumed dead, tapos babalik later on, yung mga ganoon,” natatawang paliwanag ng aktres.

Halos dalawang taon pala siyang naghintay para sa ere ng You’re My Home kaya hindi maiwasang may mga project siyang isinakripisyo para dito.

“Siyempre, hindi naman puwedeng gumawa ng iba kapag naka-commit ka na sa isang project, di ba?” katwiran niya.

Pero ayaw na raw niyang banggitin ang mga pinakawalang proyekto.

“Hindi ko alam kung allowed akong sabihin, dapat ‘yung management ko na lang magsabi,” pag-iwas pa niya.

Samantala, nabanggit din sa amin ni Assunta na meron siyang ADD (Attention Deficit Disorder) kaya mabilis siyang ma-bored na naramdaman niya raw during the presscon of You’re My Home.

“Mabilis akong ma-bored, I think I have ADD kasi nakaupo ka the whole day tapos ganoon, hindi mapakali, or even my daddy kasi ganoon tapos ang ginaw-ginaw pa (sa presscon).

“Kaya nga sabi ko, hindi pa ba tapos ‘to? Sina Goma (Richard Gomez) at Dawn (Zulueta) ginaw na ginaw din,” pagde-describe ng aktres sa nararamdan.

Samantala, ang maganda naman sa aktres, wala siyang reklamo sa trabaho kahit pa nga in-laws siya ng mga Lopez na may-ari ng ABS-CBN.

“Wala naman akong magagawa, at saka push over ako, hindi ako umaangal, wala akong cut-off, hindi ako reklamador.

“Ang hirap din naman kasing mag-impose kasi unang-una hindi naman ako sikat para mag-impose ‘no?

“Ayoko ring mag-power trip, I married a Lopez, madaling mag-power trip kasi, because I know that the owner of this (ABS-CBN) is my in-laws, ‘di ba?  Ang daling humingi ng kung ano-anong pabor, but I’d rather won’t,” katwiran niya.

Eh, ano nga ba ang role niya sa You’re My Home?

“Actually, hindi ako puwedeng mag-reveal sa role ko, hindi ako kontrabida. Nanay ako, I have a son, mahirap lang kami pero masaya.

“Pinapaaral ko siya ng abogasya, iginagapang ko siya... lahat ng raket pinasok, hanggang isang araw may nag-claim na ‘yung anak ko, anak daw niya, si Dawn,” ends Assunta.

Ang You’re My Home ay sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng mula sa produksyon ng Star Creatives headed by Malou Santos.

Main Photo credit to assuntaledesma IG