• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang will prioritize her baby should she get pregnant again

Pokwang will prioritize her baby should she get pregnant again

The actress said she and bf Lee O’Brian are trying to get pregnant again.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/26/2015 5:08 AM
Pokwang will prioritize her baby should she get pregnant again


102615-pokwang.jpg
Hindi susuko si Pokwang para makagawa ulit ng bagong baby. Ito ang ipinagmalaki niya sa Push.com.ph nang makausap naming siya sa presscon ng pelikulang WangFam na pinagbibidahan niya kasama si Benjie Paras, Andre Paras, Yassi Pressman, Wendell Ramos at marami pang iba.

“Ginagawa na namin. Try nang try hanggang kaya pa," natatawa niyang kuwento. "Pero kung sakaling makabuo ulit kailangan talagang ingatan dahil siyempre, hindi naman na ako 18 years old,” say ulit niya.

Balak din daw niyang magbawas ng work load kapag naramdaman niya na nakabuo ulit sila ng partner na si Lee O’Brian.

“Siguro, tatanggap ako pero hindi yung ganung kalala na tulad ng dati. Hindi na si Curacha ang magiging peg ko this time. Kaya lang kasi, during that time talaga sunud-sunod yung trabaho. Eh, alam mo naman ako, workaholic talaga ako at mahal ko ang trabaho ko kaya ganu’n.

“Anyway, kung sakaling dumating yung panahon na makabuo ulit, itatali ko na siya talaga. Lalagyan ko na ng glue para matindi na ang kapit niya (baby) at hindi na mawala,” pabiro pa niyang pahayag.

Halata ang saya sa mukha ni Pokey habang kausap namin siya. Pero paano kung yayain siya ni Lee na tumira sa Amerika in the future, anong gagawin niya?

“Alam mo, napag-usapan na rin namin yan, nabanggit ko rin sa kanya yan, pero alam niya na yung nanay ko, hindi ko naman puwedeng iwan,” sagot ni Pokey sa amin.

“Kasi si mother, 75 years old na, hindi na kayang bumyahe at nasa poder ko ang nanay ko and medyo sumi-second childhood na si mother so kailangan naming tutukan. Siyempre, yung ginawa ng nanay ko sa amin, yung pag-aalaga at sakripisyo niya, walang kapalit yon. Dose (12) kaming inalagaan niya, it is so unfair naman kung iiwanan ko siya,” patuloy pa niya.

Idinagdag pa ni Pokwang na tuwang-tuwa rin ang partner niya kapag nakakasama nito ang iba pang miyembro ng kanyang pamilya sa bahay nila sa Antipolo.

“Alam mo, tuwang-tuwa siya pag nando’n kami sa bahay, kapag kumpleto kami, kapag nakita niya kung gaano kami kaingay magkakapatid, kung gaano kami kalalakas magsikain.

“Walang masamang tinapay sa kanya, sobrang bait na tao. Alam nya yan kung gaano niya ako napapasaya ngayon at ganu’n din naman ako sa kanya,” paliwanag pa ng aktres.
Napakaimportante rin kay Pokwang na merong nagpapasaya sa buhay niya ngayon. Eh, what if dumating yung time na matapos na ang relasyon nila ni Lee?

“Naku, huwag naman!” hirit agad niya.

“Pero kasi ako, sabi ko kung ano yung merona ko ngayon ini-enjoy ko. Kung hindi para sa akin, tanggapin mo nang buo... eh, ang dami ko na  kayang pinagdaanan, higit pa do’n, di ba?

“Ako  kasi, dasal din lang talaga. Kung ano naman yung pinagdadasal ko, binibigay naman sa akin ng Diyos.”

Ang WangFam ay sa direksyon ni Wenn Deramas at palabas na sa Nov. 18.