• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Wenn Deramas gives an update on possible Claudine Barretto-Piolo Pascual movie

Director Wenn Deramas gives an update on possible Claudine Barretto-Piolo Pascual movie

Wenn Deramas says they are already pitching the idea of the movie to Piolo Pascual.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/24/2015 9:18 AM
Director Wenn Deramas gives an update on possible Claudine Barretto-Piolo Pascual movie


102415-WENN.jpgTuloy na ang pelikula ni Claudine Barretto sa Viva Films na ang title ay Pinilit Kong Limutin Ka na posibleng reunion movie nila ni Piolo Pascual na nakasama ng aktres sa pelikulang Milan.

Ito mismo ang kinumpirma ni Direk Wenn Deramas nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng latest project niyang Wang Fam na ipalalabas na sa November 18 at pinagbibidahan nina Pokwang, Benjie Paras, Andre Paras, Yassi Pressman, Atak, Wendell Ramos at marami pang iba.

“Actually, originally, mas mauuna dapat ito (Pinilit Kong Limutin Ka) kesa sa Etiquette (for Mistresses). Kaya lang, wala akong maibigay na schedule,” simulang kuwento ng box-office director.

“Dapat talaga, kung maayos lang na nailatag yung mga dapat na schedule, dapat November, ginagawa ko na yung kay Claudine para maipalabas na next year. Pero okey na rin, kasi Enero naman, gagawin ko na. Alam mo naman, gustung-gusto ko na ring makatrabaho si Clau-Clau,” patuloy pa niya.

Posible ba talaga na si Piolo ang makasama ni Claudine sa Viva projects?

“Silang dalawa pa lang ni Claudine ang nag-uusap. Ang pinakabago lang doon ay narinig na ni Piolo yung gist, yung kuwento, pero hindi pa nailalatag sa kanya. So, ang kailangan namin is magkaroon ng pitching na tinatawag para totally gawin ni Piolo yung pelikula,” sagot ni Direk Wenn.

Huling nakatrabaho ni Direk Wenn si Claudine sa TV series na Maligno pero kahit daw pansamantalang hindi naging active si Claudine sa pelikula at teleseye, lagi naman daw silang nagkakausap.

“Hindi kami nawalan ng kontak ni Clau kahit nu’ng mga panahon na... lagi kaming magkausap. Kasi naniniwala ako.. kasi kilala ko si Claudine, alam ko ang puso ni Clau. I’m not saying na she’s right, I’m not saying na she’s a saint, pero alam ko yung kabutihan ng puso niya na meron lang pinagdadaanan talaga.

“At lagi kong sinasabi sa kanya na ang bagyo, pinakamatagal na ang tatlong araw, so ibig sabihin, sisikat ulit ang araw sa ‘yo, bumangon ka nang maayos. Artista ka, magaling kang artista, umarte ka, nothing follows! Yang ang sinasabi ko sa kanya.”
Malaki ang paniniwala ni Direk na makakabalik si Claudine sa dati niyang kinalagyan noon sa showbiz.

“Alam ko, after Etiquette, nakabalik na siya! May MMK siya. Meron akong pino-propose na teleserye for ABS-CBN, sana ma-approve yung concept. Kapag na-approve naman yung concept, okey na okey naman sa ABS ang pagbalik niya, eh.

“And with Pinilit Kong Limutin Ka, naghihintay lang yung... wala namang nag-occupy nung trono niya, eh, nabakante lang. So, lagi siyang merong space... ang katulad niya, ang talent na meron siya ay laging merong espasyo sa industriyang ito,” pagmamalaki pa niya.

Eighteen years nang magkaibigan sina Direk Wenn at Claudine. Nagsimulang maidirek ni Wenn si Claudine sa seryeng Mula Sa Puso 18 years ago.