Snooky Serna promises not to be late ever again

Snooky Serna wants to change her image; promises to not be a ‘pagong queen’ anymore.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2015 8:48 AM
Snooky Serna promises not to be late ever again


102315-SNOOKY_main.jpgBago na ang image ngayon ni Snooky Serna. Hindi na raw siya nali-late sa kanyang mga showbiz commitments tulad ng tapings and presscon, pero late pa rin dumating ang aktres sa media announcement para sa future project ng BG Productions na siya ang bida, ang Nuclear Family na ginanap sa Mandaluyong.

Hindi tuloy namin naiwasang itanong kay Snooky kung hanggang saan niya kayang panindigan ang huwag nang ma-late at hindi na matawag na “pagong queen” dahil sa kabagalang kumilos.

“Unang-una, humihingi po ako ng apology dahil na-late ako today. Bagyo kasi (Lando), at ang akala ko nga hindi tuloy ang presscon na ito,” natatawa niyang paliwanag.

Ipinagmalaki pa ng aktres na sa taping niya ng soap opera sa GMA ay hindi rin daw siya nali-late at nagiging primadonna.

“Awa naman ng Diyos, hindi ako naging cause of delay do’n. I don’t sound na parang nagpapaka-preachy or what, but I would like to take this opportunity to thank ang aming pamamahala sa Iglesia Ni Cristo (INC) na tinuruan ako talaga ng tamang ugali, talagang nagbago ako nu’ng naging INC ako.

“Alam kong maraming beses ko ng sinasabi na magbabago na ako, na hindi na ako mali-late, pero gagawin ko ulit, pero ngayon talaga, I’m really grateful talaga na sa awa ng Diyos nabago talaga ako. It didn’t happen overnight, dahan-dahan lang din, naturuan ako ng disiplina, nang pag-a-appreciate ng mga biyaya. And I thank God for that that He put me in the right religious community,” mahabang paliwanag ni Snooky.

Eh, ano ba ang pinakamatinding reaksyon na natanggap niya sa pagiging late sa taping or syuting?

“Alam mo kung ano yung worst talaga, yung darating ka sa set o sa presscon na yung mga tao ay galit na galit sa ‘yo. Yon bang nakangiti sa yo, pero sa loob minumura ka, ‘Buwisit ka, maldita kang luka-luka ka.’ Yung ganu’n, yung alam mong pinapalastik ka lang na hindi mo naman masisisi dahil maldita ka naman talaga kasi pinahintay mo yung mga tao and everything.

“So, yon ang worst talaga na na-experience ko at na-feel ko na rin ngayon kasi may times na naghihintay na rin ako, so nakakairita nga talaga kasi yung iba, feelingera diyan… I know how it feels now to make people wait.

“Aaminin ko talaga, na noon, nag-feeling din ako. Tapos meron pang, para bang galit ako sa mundo noon, eh, at dapat maintindihan nila ang pinagdadaanan ko. Na hindi naman pala dapat ganu’n,” pagbabahagi ni Snooky sa mga natutunan niya.

Samantala, isang daring na Snooky raw ang mapapanood sa pelikulang Nuclear Family na ididirek ni Jason Paul Laxamana of the famous Magkakabaung film, dahil magkakaroon siya dito ng mga boy toys. Makakasama niya sa movie sina Arron Villaflor at Rodjun Cruz. And anytime soon, sisimula na ang syuting ng pelikula.

Main Photo credit to snookyserna4466 IG