Sabrina wants to record a song with Darren Espanto

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/23/2015 8:45 AM
Sabrina wants to record a song with Darren Espanto


102315-SABRINA_main.jpgKababalik lang mula sa 2015 Asia Song Festival na naganap sa Busan, South Korea ng Asia’s Acoustic Sweetheart na si Sabrina. Siya ang naging kinatawan ng ating bansa sa prestigious song festival na ito na nagaganap taon taon. Dito nai-share ni Sabrina ang kanyang naging experience.

"Noong natanggap ko pa lang po ang invitation nila malaking honor na ito para sa akin. Pagdating ko sa Korea pakiramdam ko royalty ako kasi maayos at mainit po ang naging reception nila. Para akong K-Pop superstar"

Ngayon sa launching ng kanyang album na In Love Acoustic 8 sa ilalim ng MCA Music, binigyan ni Sabrina ng covers ang latest hit songs gaya ng "Thinking Out Loud"; "Bang Bang"; "All About That Bass" at marami pang iba. Dahil sa iisa lang ang management team ni Sabrina at ng winners ng The Voice of the Philippines, hindi daw malayo na magkaroon siya ng collaboration sa winners ng sikat na reality talent search.

"Wow nakakatuwa kung mangyayari po ito ang gusto ko if ever si Darren Espanto kasi nagka-duet na kami noon and ang husay niya at napaka-talented na bata."

Sa 2016, isang all original album ang ire release ni Sabrina at hoping siya na mainit din ang magiging reception dito ng fans gaya ng kanyang acoustic series albums.