EXCLUSIVE: Yam Concepcion wants to become a news anchor

Yam Concepcion says she is avoiding sexy roles so she can concentrate on becoming a news anchor

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2015 8:49 AM
EXCLUSIVE: Yam Concepcion wants to become a news anchor


102315-YAM_main.jpgAyaw nang gumawa ng sexy roles ni Yam Concepcion na napapanood ngayon sa afternoon series ng ABS-CBN na All of Me. Maging sa mga future projects niya sa pelikula, hindi na rin daw siya magiging daring.

Ayon pa sa dalaga, hindi rin siya nagpa-sexy sa pelikulang Nillang na entry sa MMFF nina Cesar Montano at Maria Ozawa kung saan ginagampanan niya naman ang role ng kapatid ni Maria.

“Ayoko na ng ganun ka-all out tulad ng ginawa ko sa Rigodon. Hindi na ako magpapakita ng boobs saka ng puwet. Kumbaga, one time big time lang yon para makapasok sa industriya.

“Saka, Diyos ko, nakita na nila, ano pa ba? Siyempre, iba naman yung ipapakita natin,” sey ni Yam sa Push.com.ph.

Isa rin daw sa dahilan ng pag-iwas niya sa pagpapaseksi ay ang pangarap niyang maging isang news anchor.

“Gusto ko talagang maging news anchor. Nag-start ako nung Star Patrol just this year and mukhang nagustuhan naman ako. So, kung magtutuluy-tuloy, baka maging segment producer ako ng showbiz news na ina-anchor ni Gretchen Fullido.

“So baka this December, kung mag-a-absent si Gretchen, baka mag-substitute ako or kunin nila akong reliever. Hahaha!” balita pa niya.

Naikuwento rin ni Yam na bata pa lang siya ay nagpa-practice na siyang mag-news cast. Yon din daw ang dahilan kung bakit ang kursong Multimedia Arts ang kanyang kinuha.

“Nung bata ako, meron akong Sony camera na hand held, so, pinapa-video ko yung driver ko para videohan ako habang nag-iinterbyu ako ng mga tao sa sementeryo. Ewan ko ba, bukod sa acting, parang nando’n din (news reporting) talaga yung passion ko.

“Pero siyempre, uunahin ko muna kung saan ako ako mas komportable ngayon which is acting. Isa-isa lang, kumbaga.”


102315-YAM_main.jpgKinuha na rin namin ang reaksyon ni Yam sa isyung pinaglalaruan lang ni Ellen Adarna ang ex-boyfriend niyang si Ejay Falcon.

“Talaga? Nakakatawa naman,” sey agad niya. “Kasi, knowing Ellen, base from what I read, I don’t really know her personally, pero nakakatawa yung balita, parang hindi ko maseryoso... sorry,” reaksyon pa niya.

“Crazy lang talaga siguro siya... totoong tao, ganu’n. Saka nakakatawa yung isyu nila (na iniwan ni Ellen si Ejay sa date nila), so, tawa na lang tayo. Hahaha!”

Inulit naman ni Yam ang tunay na dahilan kung bakit naudlot ang relasyon nila ni Ejay na tumagal din ng halos five months.

“We’re not compatible talaga. Hindi kami compatible in terms of likes and passions. Ever since naman, ayoko ng showbiz na BF, pero ito nga lang, parang na-develop kami... so ayun.”

Sa last part ng aming interbyu, masayang ibinalita ni Yam na she’s happy sa kanyang love life ngayon.

“We’ve known each other for three years and then, officially together mga nine months na,” Yam ended.