• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach sings a special song for ABS-CBN President Charo Santos

Aga Muhlach sings a special song for ABS-CBN President Charo Santos

Dashing actors serenade ABS-CBN President Charo Santos

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/23/2015 8:42 AM
Aga Muhlach sings a special song for ABS-CBN President Charo Santos


102315-AGA_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, masayang-masaya si ABS-CBN President Charo Santos sa simple at pribadong selebrasyon ng kanyang 60th birthday.

Hinarana siya ng limang naga-gwapuhang aktor mula sa iba’t ibang henerasyon: ang dati niyang leading man na si Christopher De Leon at sina Richard Gomez, Sam Milby, Piolo Pascual, at ang nagbabalik Kapamilya na si Aga Muhlach. 

Pinakanatuwa ang mga bisita pati na rin si Charo sa surpresang eksena ni Aga, kung saan pinalitan niya ng lyrics ang linya sa kantang “When You Say Nothing At All” ng “you say it best when you say Aga come home.”

Labis ring ikinatuwa ni Charo ang pagbabalik tanaw sa simple niyang pinanggalingan, mula sa Oriental Mindoro hanggang siya’y maging beauty queen, aktres, movie producer at ABS-CBN executive na gumabay sa Kapamilya network sa lahat nang pinagdaanan nitong tagumpay at pagsubok simula 1987. 

Wala ng hihigit pa sa kaligayan ni Charo bilang ina nang haranahin siya ng kanyang anak na si Francis kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at tampok ang mga apo niyang sina Julia at Talia.

Malaki rin ang pasasalamat ni Charo kay ABS-CBN Chairman Eugenio Gabby Lopez III para sa pagbuo at pag-host nito ng espesyal na okasyon.

CHECK OUT PHOTOS: ABS-CBN President Charo Santos-Concio's star-studded birthday celebration