• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Andrea del Rosario will run for vice mayor of Calatagan

EXCLUSIVE: Andrea del Rosario will run for vice mayor of Calatagan

Andrea del Rosario believes her sexy image won’t affect her chances of becoming vice mayor of Calatagan, Batangas.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/22/2015 8:47 AM
EXCLUSIVE: Andrea del Rosario will run for vice mayor of Calatagan


102215-ANDREA_main.jpgNag-file na ng Certificate of Candidacy ang former Viva Hot Babe member na si Andrea del Rosario na tatakbong vice mayor sa lugar nila sa Calatagan, Batangas at aware siya na marami ang kukwestyon sa kanyang kakayahan lalo pa nga’t isa siyang sexy star dati.

“Sa tingin ko ba hindi ko na-anticipate yan?” balik-tanong niya sa amin. “Siyempre, alam ko na rin na may ganyan kahit papaano, na sisiraan talaga ako at kukwestyunin ang kaya kong gawin, pero pinaghandaan ko na rin naman yan,” deklara ni Andrea sa Push.com.ph

“That’s the reason why I studied further, because I know, people are going to underestimate me. I will always have that stigma of being a sexy symbol, but I don’t see anything wrong with that. What can I do, eh, maganda talaga ako nu’ng bata ako,” natatawa niyang pahayag.

“Wala talaga tayong magagawa, di ba? But I mean, kidding aside, you know, it’s a part of my youth, na yon ang naging trabaho ko. Eh, ganu’n talaga,” katwiran pa niya.

Wala namang nararamdamang kaba si Andrea sa bagong mundong kanyang papasukin ngayon bilang public servant.

“Pareho lang naman siya sa mundo ng showbiz. Mas matsismis pa nga sa politics. Kaya siguro, as artista, maganda na rin na-train ako sa showbiz. Yeah, ibang mundo, pero sabi nga nila, if buo sa heart mo and you really want to do it, bakit ka ninerbyusin?

“I look at other politicians as well, yung kanilang competency and stuff like that, I also look at that. At ako, hindi rin lang naman ako mag-isang gagawa nito.

“I must say na I have a lot of things to learn pa that’s why, as much as possible I will hire specialist people that could help me out. And at the same time, I’m studying and I told you na my part of my preparation is I studied naman,” kuwento pa niya sa amin.

Samantala, nang tanungin namin si Andrea tungkol sa relasyon niya sa tatay ng kanyang anak na babae, ay nakiusap siya na huwag na raw namin itong pag-usapan.

“But definitely, he will support me sa gagawin kong ito tulad din ng pagsuporta niya sa anak namin,” sey pa niya.

Maging ang pangalan ng partner niya na isang kongresista ay ayaw na rin niyang ipabanggit.

Main Photo credit to andreadelrosariohot IG