• Home
  • Fresh Scoops
  • Carla Abellana and Tom Rodriguez don’t want to put a label on their relationship

Carla Abellana and Tom Rodriguez don’t want to put a label on their relationship

Carla Abellana and Tom Rodriguez refuse to confirm if they are already in a romantic relationship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/22/2015 8:48 AM
Carla Abellana and Tom Rodriguez don’t want to put a label on their relationship


102215-CARLATOM_main.jpgHanggang ngayon ayaw pa ring diretsahang aminin ni Carla Abellana ang relasyon nila ni Tom Rodriguez bilang magkasintahan kaya kinulit talaga ng press ang dalaga sa presscon ng pelikula ng Regal Films na No Boyfriend Since Birth tungkol dito.

Matagal nang nali-link ang dalawa, pero bakit tila iwas pa rin si Carla sa pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Tom.

“Sa lahat ng bagay, may tamang panahon. Ako, naniniwala ako na lahat, perfect timing. Tulad nitong movie namin na NBSB, perfect timing ito para gumawa kami ng pelikula,” very safe niyang reaksyon.

“Parang in God’s time, ’di ba? Hindi mangyayari ‘yan sa panahon na ‘yan kung hindi ‘yan ‘yung meant.  We’ll see. Ako, never ko nahuhulaan talaga,” dagdag pa niya.

Pero handa naman daw siya if ever man na maging sila na nga ni Tom.

“Basta ‘yun, ready ako for sure kung kailan man ‘yun,” wika pa niya.

Tinanong na rin namin kung totoo bang exclusively dating na sila at ang sagot niya, “Nagde-date naman po kami. Basta ang sa amin lang po ni Tom, hindi namin pinipilit ang mga bagay-bagay, wala ring pressure sa isa’t isa, one day at a time, ‘yung ganu’n,” sabi pa ulit ni Carla.

“Di ko alam kung matatawag siyang ganu’n (exclusive dating). Parang ganu’n na parang hindi na oo,” medyo confusing niyang pahayag.

Tinanong na rin namin si Tom kung kumusta na ang relasyon nila ni Carla. Baka kasi mag-iba naman ang sagot niya. Pero ayon sa aktor, ayaw niyang lagyan ng label ang closeness nila ng dalaga. Parang what you see is what you get lang daw ang drama nila.

“If anything for me, mas lalong lumalalim. Ako, I really genuinely enjoy every moment we spend together whether at work or… kaya even at work, our working relationship is still good as ever. In fact, I find myself enjoying the whole process more and more,” reaksyon naman ni Tom.

Ayon pa sa binata, mga isang taon at apat na buwan na raw silang exclusively dating ni Carla.

Hindi pa satisfied ang press sa mga sagot nina Carla at Tom kaya tinanong pa ang dalawa kung boyfriend-girlfriend na ba talaga sila.

“Lagi naman po naman naming sinasabi na special kami sa isa’t isa. Tom is very special to me and Tom always says I’m very special to him. So, lagi naming sinasabi, kung ano po ang gusto ninyong isipin, kung ano po ang gusto ninyong itawag sa amin. ‘Ay, magdyowa ‘yan,’ okay. Nasa sa inyo po ‘yun. Kayo po ang magbibigay ng label,” sey ni Carla.

Para naman kay Tom, “Whenever we say we’re very special to each other, I don’t think that’s the (basis), more than anything, what you see is really what you get. When I say she’s very special to me, she’s very special to me and I don’t mean to be wasting both our time.

“So, I wouldn’t be in there naman siguro na… so whatever label you guys are looking for, it’s up to you. Kasi, for me, what we feel, I think it’s real. I don’t think we have time to waste time.”

Ipalalabas na ang NBSB sa Nov. 11 under the direction of Joey Reyes. Gagampanan ni Carla sa pelikula ang role ni Karina Miranda at si Tom naman ay si Carlo.