• Home
  • Fresh Scoops
  • Guwapong aktor, nagsisi sa pagtanggi sa role sa Heneral Luna

Guwapong aktor, nagsisi sa pagtanggi sa role sa Heneral Luna

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/21/2015 3:00 PM
Guwapong aktor, nagsisi sa pagtanggi sa role sa Heneral Luna


102115-OGIE.jpgHinayang na hinayang ang isang guwapong aktor at sising-sisi nang mag-decide itong huwag tanggapin ang role ni Gregorio del Pilar sa malapit nang sumampa sa P300M mark na "Heneral Luna."

Ayon sa isang source, "Sa kanya unang inialok ang role, pero tinanggihan niya, kasi, nakita niya yung lineup ng buong cast, parang hindi niya gusto. At ang akala pa yata niya ay isang simpleng indie film, kaya umayaw siya."

Eh, halos buong bayan ang nakapanood at ang sabi nga ng nagkuwento sa amin, "Sayang. Kung tinanggap niya ito, malamang, kinamayan pa siya ng mga tao at pinuri. Eh, lahat naman ng artistang kasali doon, nagbaba ng presyo, nagsakripisyo, nagbuwis-buhay, pero tingnan mo naman, sobrang critically acclaimed. Yun ang pinanghihinayangan ng young actor."

Oh, well, kung totoo man ito, nasa huli talaga ang pagsisisi. Di bale at baka nga hindi para sa kanya ang role ni Gregorio del Pilar na incidentally, gagawin naman ang life story na kung hindi magbabago ang mga plano, malamang si Paulo Avelino pa rin ang gaganap na kung tinanggap ni Young Actor sana ang role nu'ng una, baka sa kanya rin ibigay, di ba?

Anyway, let's not cry na over a spilled milk. It's there na, eh. Hahaha!

O, basta, sa young actor na ating tinutukoy, di naman siguro kawalan ito sa kanya at di rin naman matatawaran ang kakayahan niya sa pag-arte. Eh, di maghintay na lamang ng bonggang offer, di ba? Smile ka na, Baby Boy!

Photo credit: polyvore.com