Sam Milby reveals why he has been single for six years now

Sam Milby admits he has yet to find someone who he wants to pursie.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/2/2015 8:50 AM
Sam Milby reveals why he has been single for six years now


100215-SAM_main.jpgSi Sam Milby ang lead actor sa bagong romcom movie ng Regal Entertainment na The Prenup kasama si Jennylyn Mercado na ipapalabas na ngayong October 14. Dahil kilig ang tema ng kanilang pelikula, inulan ng katanungan si Sam kung bakit anim na taon na siyang single at walang inspirasyon.

"I think it took time for me to heal and to move on din from the last and parang alam mo yung enjoy na lang being single enjoy na lang with my friends. Ngayon naman kasi hindi ako lumalabas I never met anybody new."

Hindi naman daw inaalis ni Sam ang option na makipag date kapag may nakilala siyang kumuha ng kanyang attention. Sa ngayon ay hindi niya pa daw ito nakikita.

"Pwede mangyari sometimes you have to get out of your comfort zone if you really want to pursue someone di ba?"

31 na si Sam ngayong taon at kung magkakaroon daw siya muli ng girlfriend, mas pipiliin niya ang non-showbiz para tahimik naman ang kanyang personal life.

"Personally I was always wanting na sana non-showbiz naman para mas tahimik naman di ba?"