• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Castro says he’s running for councillor in Marilao, Bulacan

Alex Castro says he’s running for councillor in Marilao, Bulacan

Alex Castro says he’s taking precautions against more ‘hipuan’ incidents.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2015 8:47 AM
Alex Castro says he’s running for councillor in Marilao, Bulacan


100215-ALEXCASTRO_main.jpgHindi madadalang rumampa si Alex Castro sa kahit anong fashion show kahit pa nahipuan siya noon sa Cosmpolitan event. Ayon sa actor, natatawa na lang siya pag naaalala ang pangyayari na hindi daw naman niya ikinagalit.

“Nag-react lang po ako nu’ng moment lang na yon. Ang reaksyon ko lang is gulat, hindi naman po ako nagalit... Parang, okey lang, kaya nga ho tumalikod lang ako, eh, hindi naman po ako nag-react,” natatawa niyang pagre-recall sa hipuan incident.

“Sa akin po kasi yung nakita sa TV. Nagulat ho talaga ako, kasi kahit sino naman siguro na biglang may hahawak sa private part mo ay iilag at iilag ka din. Hindi naman yung parang, ‘bahala ka dyan.’” Kuwento pa niya.

Hindi na rin daw niya nagawang umilag sa kamay nang nandakma sa private parts niya kasi hindi niya naman ito nakita.

“Wala, eh. Naramdaman ko na lang. Nung naramdaman ko, do’n na lang ako umatras sa ka tumalikod,” sey pa niya.

Alex is running for councillor sa kanyang probinsya sa Marilao, Bulacan sa May 2016 election, hindi kaya maulit ang nangyari at mahipuan na naman siya habang nangangampanya?

“Actually, sa mga mall show, minsan pag mga fiesta, di ba po kadalasan sa mga performers, pumpunta sa audience, baba ka ng stage, minsan meron po talagang gagawa at gagawa ng ganu’n (panghihipo).

“Meron na rin pong gumawa sa akin ng ganu’n before, pero wala lang. Pero sa mga campaign ko noon, wala naman po ng ganu’n,” natatawa niyang kuwento.

May mga gagawin na raw siyang measures para hindi na mahipuan sa out of town shows next time. “Mag-iingat na lang din siguro ako, tapos lalayo na ng konti.

“Sa campaign naman po kasi, kamay ko ang inaabot ko sa kanila, sa mga tao. Saka hindi naman ako naka-topless sa campaign. Kumbaga, walang nate-tempt. Ha-ha-ha!”

Dati ng konsehal noon si Alex. Tumakbo siyang vice mayor sa Marilao last election, pero hindi pinalad na manalo.

“Ganu’n naman po talaga sa politics. Pero kahit ano pa ang mangyari, dapat hindi po nawawala yung desire mo na maglingkod sa mga kababayan mo.”

Ngayong October na magpa-file ng certificate of candidacy si Alex. Magiging abala rin daw siya sa kampanya kaya magpapahinga muna siya sandali sa showbiz.