• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano to share concert stage with promising OPM performers

Gary Valenciano to share concert stage with promising OPM performers

Gary Valenciano wants to give promising OPM performers a chance to shine on the stage.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/20/2015 7:47 AM
Gary Valenciano to share concert stage with promising OPM performers


102015-GARY_main.jpgIpinaliwanag ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang naging viral na Facebook status ng anak na si Gabriel Valenciano na may mensaheng nagtatampo sa local showbiz dahil hindi nabibigyan ng pagkakataon ang karamihan na maipakita ang kanilang angking talento. Ayon kay Gary, ipinahayag lang ng anak ang kanyang saloobin pero ngayon, maipagmamalaki ng ating mga kababayan si Gab dahil sa international projects na binubuo nito.

"I think everybody has the right to express ang mga nararamdaman nila at that particular time. But that’s—I think—is not what he is feeling now kasi grabe ang ginagawa nya ngayon which I think one day he will post to inform everybody."

Bilang isa sa celebrity jurors ng Your Face Sounds Familiar, nag kumento si Gary na mas next level at bigay todo ang performance ng contestants ngayon kumpara sa naunang grupo.

"Umangat ang competition parang sobrang magagaling ang lahat pati kami mga jurors alam na ah si ganito magaling pero pagdating sa performance lahat kami humahanga sa galing ng nagpe-perform and I really think na bawat performer ay gumawa ng homework nila."

Bagong concept ang mapapanood sa concert ni Gary na Gary V Presents kung saan makakasama niya ang mga baguhan at promising OPM singers gaya nina Mitoy Yonting, Monique Lualhati, Janice Javier at marami pang iba. Ito daw ang paraan ni Gary ng pagtulong at magbigay exposure sa mga baguhan at maipakita ang kanilang talento.

Magaganap ang Gary V Presents sa October 30 at 31 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.