• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano doesn’t mind being the second choice to Robin Padilla

Cesar Montano doesn’t mind being the second choice to Robin Padilla

Cesar Montano shares how Robin Padilla reacted when he accepted ‘Nilalang.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/20/2015 7:46 AM
Cesar Montano doesn’t mind being the second choice to Robin Padilla


102015-CESAR_main.jpgMasaya si Cesar Montano sa overwhelming reaction ng mga nakapanood na ng trailer ng pelikulang Nilalang na entry sa Metro Manila Film Festival on December 25 kaya bago siya mainterbyu ng press, nagpasalamat muna siya sa producer at director ng pelikula.

“I’d like to thank We Love Post and Paralux, especially Direk Pedring Lopez for offering this job, and hindi ko alam na ganito kaganda yung kalalabasan nito, but dito nakita natin at na-measure natin yung kagalingan niya as a director and I hope na marami pang lumabas na ganito kagagaling na director dito sa Pilipinas.

“I really feel blessed about this film and I’m so positive about this movie, not to mention my co-actors in this movie, Maria Ozawa for accepting this. She’s very professional, very fun to work with. I had fun working with her,” simulang pahayag ni Cesar.

Hiningi na rin namin ang reaksyon ni Buboy sa pagiging second choice niya sa Nilalang. Ano ba ang masasabi niya tungkol dito?

Sa akin, it’s really a great honor for me. Kahit na sabihin mo pang pang-100 choice ako dito, I was the one who did the film. Ako pa rin yung nakagawa ng pelikula, eh,” paliwanag ng actor.

Pero sa akin, hindi yon, eh. Kung ilalagay mo yang choice na yan, yang ganyang klaseng trend or pagpili sa abroad o sa Hollywood, hindi eh, ang titingnan pa rin diyan ay kung sino ang gumawa,” dagdag pa niya.

Nagkausap na rin daw sila ni Robin bago niya ginawa ang project. Masaya naman daw si Robin na siya ang pumalit sa project.

“Yes, nasa Amerika pa nga siya no’n, eh. Actually, sinhare ko kay Direk Pedring yung tinext sa akin ni Robin, eh. Sabi niya (Direk Pedring), ang ganda naman ng tinext sa ‘yo ni Robin. Tuwang-tuwa siya, nakakaiyak nga yung text niya, eh.

Sabi niya sa akin, ‘Bro, I’m so happy na ikaw yung gagawa, I feel honored na ikaw yung gagawa kapatid. Maraming salamat na tinanggap mo yan.’ Actually, nakakatuwa yung text niya. Eh, matagal ko nang kapatid yang si Robin and he knows my soul also as I know his soul also,” sambit pa niya.